Brielle's POV
Si Mommy yung naga-asikaso sa mga kelangan ko sa enrollment. Kaya pinaglibot libot nya muna ako. Tatawagan nya nalang daw ako pag tapos na.
Ang lawak ng school na to. Maganda sya. Pero ang nagustuhan ko dito, maraming halaman. Kaya mahangin.
Naglakad lang ako ng naglakad. May nakita akong tambayan. May mga benches at mesa din. Tapos, para syang veranda eh. Ang ganda. Ang hangin.
"Ang sarap naman dito." sabi ko.
Pero, nakakalungkot pala talaga pag mag-isa ka. Pakiramdam ko, wala akong masasandalan. Mag-isa lang ako. Ang bigat sa pakiramdam.
"Ano bang nagawa kong mali para saktan mo ko ng ganto?" sabi ko. Pero mahina lang.
Hindi ko namamalayan na tumutulo na naman pala yung mga luha ko.
"Ang sakit sakit. Sobrang sakit." sabi ko.
Hindi ko na talaga ma-explain kung gano kasakit. Basta, sobrang masakit. Alam kong minsan, sa buhay mo, naranasan mo na din ang masaktan ng sobra. Di ba?
"Mawawala din yan." rinig kong sabi nung lalaki mula sa likod ko. Napalingon ako.
Ngumiti sya. Yung mga mata nya, maganda. Pero halatang malungkot. Tinitigan ko lang sya.
"Ah, sana nga." sabi ko at pinunas na yung mga luha ko.
"Tiwala lang." sabi nyang nakangiti ng kalahati. Nakangiti yung mga labi nya, pero yung mga mata nya, hindi.
Nagnod lang ako.
"Freshman ka rin?" tanong nya. Nagnod lang ulit ako.
"Course mo?" tanong nya.
"Psych. Ikaw?" tanong ko.
"Pol. Sci." sabi nya.
*silence*
"Bakit ka pala umiiyak?" tanong nya.
Umiling lang ako.
"Sabi kasi nila, kapag hindi mo daw nilabas yang sakit na nararamdaman mo, sasabog yang puso mo." sabi nya.
Napalingon ako sakanya na nanlalaki ang mga mata ko. Napa-chuckle sya.
"Joke lang. I didn't know you're such a gullible." he said.
Gullible. Yeah. That's what I am. Gullible.
"Yeah." sabi ko sa sobrang hinang boses.
"Ui, joke lang." sabi nya.
"No, its okay. Buti nga, sinabi mo yun eh. Narealize ko lang na.. ganun pala talaga ako. Naniwala ako agad sakanya." sabi ko.
"Mind telling me your story?" he asked.
Kaya wala na rin akong choice kundi ikwento. Kasi, wala na akong ibang masasabihan. Yung mga bestfriends ko, nasa ibang lugar na para magcollege. Ako lang ang naiwan dito.
Yun, kinwento ko lahat.
"Pwedeng may dahilan sya. Pwedeng nakakita sya ng iba. O ayaw na nya talaga. Yun lang naman sa tatlong yun eh." sabi nya.
"Hayaan na natin. Magiging okay rin ako." sabi ko.
"Gusto mo, magkwento rin ako?" sabi nya. Tumango ako.
"Mas masakit yung nararamdaman ko kesa sayo." sabi nyang nakangiti. Ngiting malungkot. Ngiting nasasaktan.
"Parehas tayo. Kasi, yung taong mahal ko, iniwan din ako. Kaya sobrang nasasaktan din ako. Pero yung sayo, pwede pang bumalik. Yung sakin, hindi na. Kahit pa maghintay ako ng buong buhay ko, hinding hindi na sya babalik.." sabi nya. Nakita kong tumulo yung luha nya.
BINABASA MO ANG
My Past, my Present and my Future (COMPLETED)
Teen Fiction"I just want to forget the past who hurt and broke me. Focus on my present who mend and fixed me. And look forward to whom will I end up with in the future and in every single second of our forever." -Brielle Waaah! Second story ko na! Try nyo pong...