Cassie's POV
Sa kalagitnaan ng mahimbing na pagkakatulog ko, bigla kong naramdaman na may humila sa akin papalapit sa kanya at niyakap ako. Okay isang tao lang naman yun di ba?
"Good Morning My Princess." bulong niya sa tenga ko
"Hmmm, morning" sagot ko sabay ngiti . Yung ngiting bagong gising. HAHAHA!
"Tayo na diyan, ready na breakfast boss."
"Tulog pa." sagot ko.
Eh sabado kasi ngayon. Edi malamang bangag pa ako.
"Sige na ah. Kiss na kita para wakey up na yung princesa ko."
Agad kong tinakpan bibig ko. Duuh morning breath. Mamaya ma hospital pa siya dahil sa hininga ko. Joke!
"Uhmm-uhmm" agad na iling ko.
"Aaaah~"
Nagulat naman ako nang bigla niya akong binuhat at pinunta sa CR.
"Ayan, mag toothbrush ka na at maghilamos. Kakain na tayo weather you like it or you like it."
"Parehas talaga kayo ng linya ng pinsan mo!"
"Pinsan ko nga diba. Malamang may dumadaloy na sandoval sa dugo niya di ba."
"Yeah right. Blah blah blah."
"I'll wait you down stairs princess."
Bago pa man niya sinara yung pinto agad niya akong ninakawan ng halik at sabay takbo sa baba.
Grabe! Adik sa halik? Pero Kilig.
He didn't mind na bagong gising lang ako. Hehehe. Geh landers ko na. Kbye!Ace's POV
I've never been like this before. Kay Cassie lang. Pero worth it naman eh.
Sa totoo lang, hindi pa ako nag-please sa isang babae sakaniya lang. Hindi pa ako natutulog sa pad ng babae sakanya lang. Never pa akong naging corny sa kanya lang at hindi ako nagsisi na sa kanya ko lang ginawa yun.
Cassie is priceless palagi kong sinasabi yun. Lahat naman ng tao eh, but she's different. Kumbaga sa kanya ready kong gawin lahat. She's my strength and weakness at the same time. She's very unique that made me like her imperfect her.
Tignan niyo! Ang corny corny ko na! Siya dahilan ko eh!
Nung naramdaman ko na papalapit na siya sa akin tiniganan ko siya at ngumiti. Nginitian niya din ako pabalik.
Tahimik lang kaming kumakain ni Cassie. Medyo awkward pa pero, ewan ko bat ang awkward. Anyways, napaka-boring ngayon. Ano kaya puwedeng gawin?
"Cassie, ang boring." -ako
"I know right. Ano ba magandang gawin?" -cassie
"Hindi ko din alam. How about movie marathon na lang?" -Ako
"Huh? Dito lang tayo sa loob? Ang boring? Labas na lang tayo para manuod ng sine, then let's eat na din sa mall. Okay ba yun?" -Ako
"Ahhh sure! Kailangan ko din palang pumunta ng parlor. I need to change my nail polish you know." -Cassie
"Enough with the maarteng conyo talk. Lalaki kausap mo po." -Ako
"And so? Masama ba?" Sagot niya sabay taas ng kilay niya.
"Ikaw ang taray-taray mo!" Agad na banat ko
"Inborn yan! Wala ka nang magagawa." Sabay irap nanaman sa akin.
BINABASA MO ANG
My un-ORDINARY Love
RomanceDestiny is not always in my favor, so as fate. How can I be happy if I'm always hurt. I was ready to be in love, no I'm already in love with him, but there is something I did not know about him that will make this story un-ORDINARY. Will I take the...