Chapter 29: Real World

39 4 6
                                    

Cassie's POV

Isang linggo na ang nakakalipas pero ganun pa din si mama. She's stable pero di pa din niya kayang huminga mag isa. Nag match naman si kuya Liam kay mama, kaya siya yung magiging donor ni mama. Lahat kami nag pa-test kung may complications kami sa dugo. Sa awa naman ng Diyos, we all came negative. Pero sabi pa din ni doc ingat pa din dahil high yung chance namin.

Pag umaga, sila kuya Liam ang nagbabantay kay mama. Ako naman sa gabi dahil may pasok ako. Nag drop din ako ng ibang klase dahil mas kailangan nila ako dito, at mas gusto ko naman iyon. Napagdesisyunan naman nila kuya na dito na muna ng isa't kalahating buwan. Si dad naman palaging tulala. Nakaka-usap namin siya pero madalas ay nakatingin lang siya kay mama, at parang lumulutang yung utak niya.

Siguro kaya ganun na lamang ang reaksyon niya dahil ngayon lang nangyari sa pamilya namin ito. Never pang may pinagdadaanan kaming ganito. Sana lang ay gabayan kami ng Diyos na malagpasan ito.

Pati si Ace di ko na gaanong nakaka-usap. Message at saglit na phone call lang ang koneksyon naming dalawa. I keep saying sorry dahil nga wala akong time, pero sabi niya okay lang naman daw at naiintindihan niya. Alam kong maunawain siya pero siyempre kapipiranggot lang ang oras na naiibibigay ko sa kanya, at mahirap yun.

Nandito ako ngayon sa school para sa nag-iisa kong major class  para sa semester na ito. Pinipilit kong makinig at mag focus sa teacher ko pero walang pumapasok sa utak ko. Inaalala ko kasi si mama, baka kasi nagising na siya. Gusto ko siyang makausap dahil miss na miss ko na siya. Ganun din si Ace, iniisip ko kung okay lang ba siya doon, o baka nahihirapan na siya sa trabaho niya.

"Okay class midterms na in 2 weeks, mag start na kayong mag review. No word bank and no multiple choice. Class dismissed." Doon tinapos ng teacher ang klase namin.

"Nako naman si ma'am. No word bank tapos no multiple choice. Paano ako papasa nito?" reklamo ni Tammy na nagsisinop ng gamit niya.

"Ganun talaga Tammy. Kaya nga midterms eh." Sabi ko habang nagliligpit din ng gamit. "Siya nga pala, naibigay mo naman yung regalo kay Clar hindi ba?" Tanong ko.

"Oo naman. Tinatanong ka nila tita sa akin. Pero don't worry girl, sinabi ko na binabantayan mo mommy mo." Huminto siya saglit para ilagay yung bag niya sa balikat niya. "Anyways, kamusta na si tita?" Dugtong niya.

Ako naman ang nag sabit ng bag sa balikat bago nagsalita

"Stable but still the same." Sagot ko.

Agad naman niya akong niyakap. Bigla naman akong nakaramdam ng ginhawa dahil sa yakap ng isang kaibigan.

"Everything's gonna be fine, okay? Basta pag kailangan mong tulong andito lang ako, ha? Wag mahihiyang mag tanong." Paalala naman niya

Tumango ako. "Oo naman. Thank you." Sabi ko habang kumalas sa yakap.

"No problem. Sige mauna na ako sa next class ko." Sabi naman niya.

"Sige alis na din ako." Sagot ko naman

Yumakap pa siya ng isang beses bago kami tuluyang naghiwalay ng dereksyong pupuntahan.

Bigla ko namang naramdamang nag vibrate yung telepono sa bulsa ko. agad kong kuniha yun at tinignan kung sino yung tumatawag.

*Kuya Mark calling...*

Ni-swipe ko yung screen para masagot ko yung tawag.

"Hello? Kuya?" Salubong ko.

"Kayce, we're still at Batangas para sa isang meeting pero sabi Anne, yung secretary ni daddy, nagkakagulo daw sa isang restaurant. Dad won't answer my call so I need you to handle it." Bakas sa boses ni kuya Mark ang pag-aalala.

My un-ORDINARY LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon