Ace's POV
"Cheers!" Agad na sigaw ng barkada ko si Chase
"Ace we did it again man! Nakita mo ba itsura niya! Ang galing mo talaga Ace! Idol!" Sabay akbay at abot ng alak sa akin ni Jake.
Kung nagtataka kayo bat kami nag-sasaya, muli nanaman kaming nag tagumpay! Nagtagumpay nanaman kami sa Trip namin kanina.
"If you just saw her face man! She fell under your spell! Ni hindi man lang siya pumalag sa halik na yun." Tinutukoy niya si Cassie.
"Oo nga Ace! Forever Casanova ka talaga!" sabay akbay naman ni Jake sa akin.
Well kung nagtataka pa din kayo, yung pag lapit ko kay Cassie, Pag-Trap nila sa kanya, paghatid sa building na iyon, at lalong lalo na ang paghalik sa kanya ay planado. Oo plano namin yun lahat yun kasi ang usapan namin netong barkada ko na ang babaeng lalapitan ko sa stool, yun ang paparanasin ko ng charisma ko, na kwine-kwestiyon nila kung meron pa ba. Well I think I won. I still have the charisma that makes the girls go wild.
"Christian Ace Sandoval, the king of kings sa pagiging casanova! Cheers!!!" sabay-sabay kaming nag cheers ng barkada ko!
"Hanggang sa muli"
Ewan ko ba! Paulit-ulit na nagpi-play sa utak ko yan akala mo nasiraan o nagasgas na plaka.
Pero aaminin ko, si Cassie ang nagmamay-ari sa isang labing napaka-lambot. Yung tipong nakaka-addict siya. Aaaah! ano ba pinag-iisip mo Ace! Katulad nga ng sabi nila kanina, King of Kings ka ng mga Casanova!!
Brrrrr!
Pero alam natin na lahat ng katulad ko eh may isang pangyayari na nagpabago sa kanila. Na maging ganito, MANLOLOKO.
Bakit? Masisisisi niyo ba ako kung nag karoon ako ng napaka-walang pakealam na magulang, nawalang inatupag kundi ang kani-kanilang pera?! Bata pa lang ako Sa pera na umiikot ang mundo nila. Palagi akong naiiwan sa tumayong ina ko, si nanay Juana. Yaya ko simula noon pa. Mas nararamdaman ko pa yung pag mamahal ni nanay kesa kila mama sa akin. Andoon na ako na para sa akin yun pero, ano ba naman yung ibigay nila sa akin yung kaunting oras nila di ba? Mahirap bang ibigay yun? Mahirap ba? I-dagdag mo pa yung ex ko na mahal ako dahil sa pera ko, samantalang ako mahal na mahal ko siya ng buong buo! nakakagago ang Buhay no?! Sobrang nakakaloko na paglalaruan ka hanggang sa magsawa siya at iwan kang sira. Psh! Ang saya ! GRABE!
"Ace! tol!!! ACE!" Pag-gising sa akin ni Thunder sa realidad.
"May problema ka ba? Masakit na ba ulo mo ?"
"Psh! Ako?!! Sasakit ang ulo?! C'mon Thun, you know me!"
"Hey! Guys!" Agad kong nakuha ang attensyon ng tao sa loob ng bar.
"Dahil mabait ako ngayon, Drinks on me!!!! Let's party!!!"
Agad namang nagsihiyawan ang mga tao dito. Psh! Napaka-babaw na kaligayahan ng Tao!!
"You are the best Ace!!" pati mga bugok kong barkada sayang-saya!
Nang nag-sawa na ako sa loob, binayaran ko na lahat ng expenses ko at lumabas na. Nakaka-sawa na.
*******Kriiiiiiiing*****
Agad ko namang kinuha yung phone ko at tinignan kung sinong tumatawag sa screen.
"Ms. Gonzales..."
"Hello?" sabi doon sa kabilang linya.
"Yes po?" Agad na sagot ko.
BINABASA MO ANG
My un-ORDINARY Love
RomanceDestiny is not always in my favor, so as fate. How can I be happy if I'm always hurt. I was ready to be in love, no I'm already in love with him, but there is something I did not know about him that will make this story un-ORDINARY. Will I take the...