Chapter 13: Ace?

53 4 0
                                    

Cassie's POV

Masasabi kong okay na okay na ako, bakit? Siyempre kasi pumasok na ako ngayon. Ano in-expect niyo? Na si Ace ang dahilan? Hahahah! Well, konti.

Okay #Malandi nanaman ako! Kakagaling lang sa sakit tas landi nanaman? Hahaha! Kidding aside, masaya lang talaga ako ngayon. Ewan ko ba kung bakit.

Kaso, natatakot ako na may kapalit mamaya itong kasiyahan ko.

The heck! Paranoid nanaman ako! Nyemas naman!

Pagpasok ko sa gate, diretso ako kung saan tambayan ng tropa.

Tropa? Hahah nakiki-tropa lang ☺️

Pagdating ko don, wala pa si Ace samantalang siya na lang kulang sa aming lahat. Hay naku! Kahit kelan talaga yung lalaking yun. Late kung late! Pero paminsan naman, maaga kung maaga! Hahaha saan ka pa? Siya na bipolar!

Bigla naman nahagip ng mata ko yung kotse niya, mula kasi dito makikita mo yung pumapasok na mga kotse na school.

Pagbaba niya, bigla siyang dumeretso sa pintuan ng passenger seat at binuksan yon. Ano? May kasama siya?

Pagbaba nung kasama niya, napa-nganga ako. As in NGA NGA!

May kasama siyang Babae na sobrang ganda, sexy at higit sa lahat fashionista. kumbaga model figure.

Nakakapit naman yung babae kay Ace habang naglalakad silang dalawa. Hindi ko mapigilang mainis, bakit? Ewan ko ba! Paano mag-aayang manligaw tas may girlfriend pala! Whatever Ace Sandoval!

"Alexandra!" Agad na bati ni Chase doon sa babae.

Ahh Alexandra pala pangalan niya. iniwas ko yung tingin sa kanila at nilibot yung tingin sa ibang bagay.

Pero nararamdaman kong naka-tingin si Ace sa akin. Jeez!! Kapal ng mukha!!!

"Guys, This is Alexandra. My sister." Saad ni Chase.

Kapatid? Sabagay, may hawig sila.

Nakipagshake hands sa lahat si Alexandra.

Pagdating nung kamay niya sa akin..

"Hi I'm Alexandra, kapatid ni Chase and Ace's-"

"Ex-girlfriend." Cold na sabat ni Ace kay Alexandra.

"Ano ba Ace, wala naman tayong official break-up so, for me tayo pa din." Sabay kapit kay Ace.

Hindi na lang ito umimik.

"Ahh, may gagawin pa pala ako. May mga ilalagay pa ako sa locker tsaka kailangan ko na ding pumunta sa Firts period ko." paalam ko sa lahat.

"Nice to meet you Alexandra." sabi ko sabay ngiti.

"Alexa na lang?"

"Cassie."

Pagkatapos non ay tumalikod na ako bago pa nila makitang may pumatak na luha mula sa mga mata ko.

Ace's POV

She's back, at hindi ko alam kung bakit at paano.

She is the reason for who I am today. Alexandra is my Ex-girlfriend. Ngayong bumalik siya, she's still claiming na we're still together.

3 years, 3 fvcking years siyang wala! No communications, no anything. Ngayon, sasabihin niyang kami pa din?!

And there, I saw Cassie walking away to us. Gusto ko siyang habulin para magpaliwanag sa kanya. Pero napag-isip ko din na, bakit?

My un-ORDINARY LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon