Chapter 19: Letting Go

41 6 1
                                    

Cassie'st POV

Pinapanuod ko ngayon si Clar matulog sa loob ng taxi. Nakatulog ata siya kakaiyak. Hay kawawang bata. Wala siyang kaalam-alam sa mga nangyayari sa paligid niya pero nadadamay siya.

Pauwi na kami sa bahay. Tinawagan ko na din sila daddy na sabihin sa parents netong si Clar na pauwi na kami.

I'm not mad at Ace. I can't blame him naman na may galit siya sa bata. Actually hindi galit eh, selos. Mahirap naman talaga sigurong tanggapin na may kapatid ka pa pagkatapos ka nila iniwan. Not literally but siyempre masakit yung lumaki na malayo magulang mo sayo.

Itago man sa akin ni Ace, alam kong parehas kami ng weakness, and that is our family. I know deep down inside kay Ace na mahal niya ang pamilya niya. Kaya siya nagkakaganito.

Nang makarating na kami sa bahay, agad naman kaming sinalubong ni mama.

"Ay nako, nakatulog na yung bata"

"Oo nga po eh. Sobrang iyak siguro ma." Tinignan ko ulit si Clar na mahimbing ang tulog.

"Akin na muna siya at ihihiga ko muna sa guest room."

Binigay ko naman agad si Clar. Mabugat din kasi eh.

Nung mailagay na ni mama si Clar sa guestroom, kinausap nila ako kung ano ba talaga nangyari. Siyempre kwinento ko pero hindi masyadong detailed. Binigyan ko lang sila ng idea. Konti.

30 minutes, dumating din yung parents nila Ace. Yung papa niya may Hawig sila, pero kamukha niya din yung mama niya.

Agad silang lumapit kina mama at naki-beso sabay sabing "Pasensya na sa abala mare."

"Wala yun. Mas maganda nga na dito tinuloy ni Cassie si Clar para di na kayo mag-alala."

"Maraming salamat talaga." Sabat naman nung tatay ni Ace.

"Walang anuman. Nagpahanda kaming pagkain, kain muna kayo." Alok naman ni Daddy.

"Hindi na pare. Nakakahiya."

"I insist. Maupo muna kayo at kumain. Tulog pa naman si Clar." Sabay naman ni mama.

Wala na silang nagawa kundi kumain dito sa bahay. Nag kwekwentuhan lang sila about sa business. Never naman naitanong ng parents ko kung ano yung buong story ng pamilya nila.

"Basta we were planning on expanding our business dito sa Pinas, para di na kami umalis. Besides, gusto naming lumaki dito si Clar sa Pilipinas."

"Ah I see, that's good pare! At least ngayon palagi na tayong magkikita."

*ding dong*

Sa kalagitnaan ng usapan nila eh may nag doorbell. Siguro yung inorder na Dulce.

"Ako na po sasagot nung pinto. Excuse me." Sagot ko sabay tayo sa upuan ko.

Pagbukas ko ng pinto, nagulat ako sa nakita ko.

Si Ace.

"Cassie."

"Wag ngayon Ace. Bukas na tayo mag-usap."

My un-ORDINARY LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon