Cassie's POV
Ano ba talaga balak ni Ace? Naloloka ako!!! Alam ko namang di siya seryoso sa panililigaw niya eh. Atsaka wala ng matinong lalake ngayon, malimit na lang. Tsaka sa Gwapo ni Ace, hindi siya manloloko? I don't think so.
Kailangan kong tawagan si Tammy para isumbong si Ace sa pinag-gagawa niya. At the same time pag wala akong pagsasabihan neto baka bukas ipapasok na ako ng parents ko sa Mental Asylum!
*****Kriiing****
"Hello? Tammy?" Tanong ko kasi na feel kong may sumagot na.
"Oh anong new?" sagot naman niya. Eto alam talaga pag ako tumatawag, kasi alam niya may Chika ako or may sasabihin.
"Yung pinsan mo kasi, pinaglalaruan ako." sabi ko sa kanya.
"WHAT!" Naipalayo ko pa yung ulo ko sa Cellphone dahil sa sigaw niya.
"Oo! and please wag kang sumigaw." Mahinahong sabi ko ulit sa kanya.
"Paano naman aber?" mahinahong tanong na niya.
"Kasi mag-kasama kami kanina."
Hindi ko natuloy kasi sumigaw nanaman siya
"MAGKASAMA KAYO?!" Aray! Maskait na sa tenga ha.
"For the second time don't shout puwede?"
"Oh sige na Sush na ako."
Nung alam kong nakatikom na yung bibig niya sinimulan ko na ang pag-kkwento sa kanya about sa nangyari.
"So Manliligaw daw si Ace sa'yo?" tanong niya yung hindi na hysterical. Malumanay naman na.
"Ayaw ko! Tsaka di ba ayaw mo din? Di ba alam mo namang sasaktan niya ako Tammy? Di ba? Tutulungan mo akong pigilan siya sa whatever evil plan he is plannig?" sabi ko na parang nagmamakaawa na hindi mo maintindihan.
"Honestly, I trust Ace. So maybe I can't do anything about it."
sagot niya na seryoso. I mean seryoso talaga kasi , kung meron mang times na matinong kausap eto eh tuwing nag-bibigay ng advice.
"Sigurado ka ba Tammy? Ako kasi hindi eh." sagot ko sa kanya ng seryoso din.
Sa mga ganitong panahon, dapat lang na seryoso.
"Hay naku Kayce(*Kays*), bestfriend kita, roomiee pa, hinding hindi kita hahayaang masaktan okay? Atsaka malay mo, si Ace na ang maging daan sa pagiging fully recovered mo from Nathan." The moment na narinig ko yung name na yun, biglang may kumurot sa puso ko na hindi ko na alam kung bakit ganun pa din ang inaasta niya pag naririnig ang pangalang iyon.
"O baka naman kaya dahil pa din sa kanya kaya ayaw mong may pumasok na lalake sa buhay mo ulit?"
Nagkaroon ng minutong katahimikan sa aming dalawa. Hindi ako maka-sagot, di rin ako maka-salita.
"Kayce, you should let somebody in there somewhere there in your heart. Kasi kung pipigilan at pipigilan mo ito, wala you'll end up getting hurt and scared from everyone."
Tagos! yun ang tamang description ng impact nung mga sinabi niya.
"Hindi ko alam Tammy. Hindi ko pa alam sa ngayon."
Yun na lang ang nasabi ko kay Tammy.
"It's your choice Kayce. It's in your hands kung kelan mo bubuksan ulit yang pinto na puso mo. Basta kung ready ka na, susuportahan kita, kung masaktan man yan andito lang ako. Okay?"
BINABASA MO ANG
My un-ORDINARY Love
RomanceDestiny is not always in my favor, so as fate. How can I be happy if I'm always hurt. I was ready to be in love, no I'm already in love with him, but there is something I did not know about him that will make this story un-ORDINARY. Will I take the...