Chapter 5: The Player's Game

104 5 0
                                    

Cassie's POV

"Huuuy! Gising! San ba banda bahay niyo?" medyo naalimpungatan ako nung may nang-gigising sa akin.

"Mag drive ka lang! inaantok pa ako." totoo inaantok pa talaga ako.

*****Skreeeeeeechhh****

***Boogsh***

"Aray!" Agad akong napahawak sa ulo ko kasi nauntog ako bigla.

Mag preno ba naman ng napakalas. Teka sino ba to?

"Saan na kasi banda bahay niyo!"

Sigaw ni Ace. Ace?!

Nung nagising na talaga diwa ko, nilingin lingon ko muna yung paligid. Oo nga nasa white plains na kami.

"Ayy sorry! Andito na pala tayo!" Sabi ko sa kanya.

"Oh saan na nga banda?"

"Ummm deretso lang, tapos kanan ka sa pangatlong kanto, deretso ulet, kaliwa ka sa pangalawang kanto tas pang apat na bahay sa kaliwa."Sabi ko sa kanya

"Ahhh along the way din pala papunta sa amin." Sagot niya..

TEKA!!!

"Taga dito ka?!"

"Kaya nga sinabi ko sa'yong dito din punta ko di ba?"

"Ahhhh!"

Pagkatapos non sinunod naman niya yung dereksyon na sinabi ko.

Nung naaninag ko na yun bahay namin, kinalabit ko siya tas tinuro kung saan. Psh! Paano ba to? alam na niya address ko! Mamaya rape in ako neto lalo pa't malapit bahay nila sa amin.

Ay! hindi pala mangyayari yun kasi hindi niya alam boarding namin ni Tammy! hahahaha! Doon naman ako natutulog eh.

Nung nakarating na kami sa bahay, agad siyang huminto tas bumaba para bukasan yung pintuan. Aba'y gentleman naman pala ito eh. Sabagay playboy eh.

"Sige Ace! Thank you sa lahat."

Sabi ko sa kanya.

"Walang anuman." sabi niya.

Paalis na sana siya kaso biglang may tumawag sa pangalan ko na nakakuha ng attensyon naming dalawa.

"Cassie!"

Nung napatingin kami...

Patay si Kuya Mark....

Ace's POV

Nagulat ako nung may sumigaw ng pangalan ni Cassie na lalaki na dahilan para mapatingin din ako.

"Cassie! sino yang kasama mo? Boyfriend mo?" Medyo galit na sabi niya.

"Hala kuya! Hindi ko siya boyfriend. Pinsan siya ng bestfriend ko. Hinatid niya lang ako kasi flat tire ako kanina." Paliwanag naman ni Cassie sa kanya.

"Anong nangyayari dito?" sabay may narinig nanaman kaming boses ng parang nasa 30's na babae. Hula ko mama ni Cassie to.

"Kasi mama! Si Cassie may naghatid sa kanyang lalaki." sumbong naman nung kuya niya.

"Nanliligaw ba siya sa'yo anak?" tanong nung mama ni Cassie sa kanya.

"Naku ma, hindi po. Hinatid niya lang ako kasi flat tire lang ako." sagot niya

"Ganun ba? Ay iho, halika mag dinner ka na dito. Pasasalamat ko lang sa paghatid kay Cassie dito sa bahay."

"Ummm~"

My un-ORDINARY LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon