Chapter 30: Knowing

20 2 0
                                    

Cassie's POV

Napagdesisyunan namin magkakapatid na kami muna magbantay kay mama para maka-uwi si papa. Kahit nag pupumilit na mag-stay, pinauwi na namin. Mahirap na mamaya siya pa magkasakit.

Nagyon, yung dalawa kong kapatid ay busy sa pag aasikaso ng kompanya. Parehas na nakatuon ang pansin sa kanikanilang loptop. Ako naman ay gumagawa din ng letter para sa school ko dahil nga mag ddrop-out muna ako. Labag man sa kalooban ko, wala na din naman akong magagawa dahil mas kailangan nila ako ngayon.

Si Ace naman, maya't maya ang message sa akin sa viber. Kesyo okay lang daw ba ako or may kailangan daw ba ako at tutulong siya. Ganyan siya simula nung nasabi ko na ako ang aasikaso ng transactions dito sa Pinas. I'm grateful sa mga alok niya, pero he has problems on his own. Ayokong maging pabigat at alam kong makakaya ko to, kakayanin ko.

Nilipat na namin si mama sa regular na kwarto dahil may progress naman na siya. Di na niya kailangan yung mga tubo sa ICU, though di pa din siya nagigising. Sabi naman ng doctor dahil din pagrespond niya sa mga gamot at blood transfusion, malaki na yung percentage na magigising siya soon.

Nagulat ako nang biglang nagring yung cellphone ni Kuya Liam na agad naman niya itong sinagot. Lumabas siya ng kwarto para kausapin kung sino man iyon.

"Kayce, kailangan na naming umalis ni Liam. We hate not to be here for mom, but we don't have a choice. Tomorrow na last day namin dito, it menas ikaw na ang papasok sa opisina sa susunod na araw."

Binalingan ko ng tingin si Kuya Mark.

"Kuya I'm nervous." I confessed.

lumapit sa akin si Kuya at ikinulong niya ako sa mga bisig niya.

"I know baby girl, but we don't have a choice. Kung kaya ko lang ako na ang gagawa, pero mas madaming trabaho sa mga international hotels natin, at di kaya ni Liam yun mag-isa. I'm sorry to put you in this situation. Please, bear with us." Paliwanag sa akin ni kuya na parang nagpapaliwanag sa bata.

Tumango ako ng walang pag-aalinlangan. Yes, It's scary but I'm ready to conquer it if it's for my family. Kahit walang matira sa akin basta para sa kanila, wala akong pakealam.

"Tu..big." Parfehas kami ni Kuya Mark na napalingon sa pinaroroonan ni mommy.

"Mom!" Napasigaw ako sabay lapit. Si kuya Mark naman agad na lumabas ng kwarto para sabihin na gising na si mama. Pumasok din biglaan si Kuya Liam at agad kaming dinaluhan.

"Na-uuhaw.. ako." Sabi ni mama sabay linga sa paligid.

Inabutan ni Kuya Liam si mama ng tubig kung saan sumipsip siya ng kaunti.

"How long have I been sleeping." Tanong ni mama.

"1 week and 3 days. You're body was too weak kaya for the first days nasa ICU ka." Paliwanag ni Kuya Liam. Pumasok naman si Kuya Mark kasama yung doctor. nag step back kami ni Liam para ma-check si mama.

"She is better now. We just have to run some more test para makita kung wala nang complications. And then we'll know if we'll let her stay or be discharged." Sabi ng doctor habang nagsusulat na sa chart ni mama.

"Doc what happened." Kuryosong taanong ni mama.

"You had pneumonia Mrs. Montero nung dinala ka dito. And then we found out na you have stage 2 Lukemia. That's where I concluded na kaya ka palaging nagkakasakit dahil hindi na dedevelop ng husto yung white blood cells mo."

Pinagmamasadan ko si mama na ngayon na tulala sa mga nalaman niya.

"Don't worry Misis. Mataas ang rate ng survival mo. You need to undergo some chemotherapy and then bone marrow transplant."

My un-ORDINARY LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon