Cassie's POV
Habang tumatagal, nagkaroon na kami ng routine ni Ace. Because of the time difference na 7 hours, nauuna akong nagigising so ako yung gumigising sa kanya sa umaga. Kapag Friday naman, buong magdamag kaming magka-usap hanggang sa makatulog kami. Usaully ako yung nauunang nakakatulog. 5 months na din ang nakakalipas. Di ba sabi ko naman sa inyo eh, para sa kanya kakayanin ko. I will bent my time just so I could give it to him. Binansagan na nga ako ni Tammy na 'Dakilang Girlfriend' Dahil OA daw tong effort ko. Tinalo ko na daw lahat ng girlfriend sa sobrang pagka-devoted ko sa relasyon naming ni Ace.
Pero kahit na ganun ay tuloy pa din ang buhay namin. He's busy there, so am I here. Nabibigyan ko din naman ng sapat na oras si Tammy at yung pamilya ko, so I'm happy that everything is actually working out for the both of us.
Actually habang tumatagal hindi na ganun kahirap dahil medyo nasasanay na din kami. Para sa akin naman as long as we're together, or as long as I could see him kahit sa screen lang, okay na okay na ako. I mean it's better that way than to have nothing at all.
3:00 pm na dito, oras na para gisingin ko si Ace dahil papasok siya ngayon sa office niya. And today is a big day for him kasi nga may important matter sila ni Ms. gonzales na dapat gawin. He said na isang deal daw ito and he needed to make the clients invest to this project. Nung nakaraang linggo halos di ko siya inistorbo dahil alam kong kailangan niyang magfocus sa project na ito. He said it was okay na tumawag ako, but I'd rather not. I just sent him messages, time to time para kahit papaano ay maibsan pagod niya.
Dali-dali kong ni-click yung video call na icon sa chatbox namin dito sa viber. tatlong ring pa lang ay nasagot na niya ito.
Tumambad sa akin si Ace halos kakatapos lang maligo at nagsusuot ng puting polo. Nakatulog man lang ba ito?
"Good morning. Ang aga natin ah." Bati ko sa kanya habang nagbobotones siya ng polo.
"Excited na ako na kinakabahan. I barely had a sleep last night dahil pinaghandaan ko lahat ng possible questions nila." sagot niya habgng kinukuha yung necktie niya. Napangiti naman ako dahil sa fact na napaka-passionate niya para dito. masaya ako na masaya siya sa ginagawa niya. If I asked him to stay 5 months ago, baka miserable lang siya dito dahil sa panghihinayang.
"You got this! Wala pa kong kilala na taong sobrang dedicated sa trabaho niya. Besides, I believe in you. You could do this." Pang iincourage ko sa kanya.
"That's all I want to know. You believing in me. I love you now." Sabi naman niya at umupo na sa harap ng study table niya para makapag-usap kami ng maayos.
"I love you too until whenever." Sagot ko.
"So wala ka bang gimik with Tammy today?" Tanong niya ng masinsinan
"Uh I don't know sa pinsan mo, don't worry I'll let you know as soon as I did." sabi ko. "Siya nga pala, 5th birthday ni Clar next week. Nako miss na miss ka na ng kapatid mo." dugtong ko.
"Yeah I know. Papadala kong pera, please buy him a gift?"
"Ano ka ba di mo naman kailangan magpadala ng pera. I can handle it." Sabi ko naman.
"Nope not gonna let my girlfriend pay for my bill, please?" He pleaded. Napabuntong hininga na lang ako.
"Alright. wag mo na lang lakihan yung pera, makikihati na lang ako para galing sa ating dalawa." Sabi ko na nagpangiti sa kanya. Tinaas ko yung kilay ko at ngumiti.
"What?" Kuryoso kong tanong.
"Nothing, na-isip ko lang na para tayong mag-asawa. Pati sa gift isa na lang." Bigla naman akong nag-blush sa sinabi nitya. Thousand miles away, wala pa ring nagbago sa naipaparamdam niya sa akin. He still gives me chills.
BINABASA MO ANG
My un-ORDINARY Love
RomanceDestiny is not always in my favor, so as fate. How can I be happy if I'm always hurt. I was ready to be in love, no I'm already in love with him, but there is something I did not know about him that will make this story un-ORDINARY. Will I take the...