Chapter 8: Set Things Right

77 5 0
                                    

Cassie's POV

Hindi ko pa din lubos maisip bat niya ginawa yon sa akin. Hindi naman kami para umasta siyang ganon. The worst part is, after that parang wala na din sa akin yun. Ewan ko kung dahil Malandi ako o ewan!

Napa-isip din naman kasi ako na, kung tutuusin un fair ako pagdating sa kanya. Bakit ko naisip yun? Simple kasi pag si Ace ang kasama ko or nangugulit sa akin para bang hindi ko siya pinagbibigyan while pag si Thunder eh okay lang.

Sa tingin ko meron din sa part ko ang may kasalanan kaya parang okay na din. Pero hindi okay harasin niya ako.

Hay ewan! Bahala na! Basta All he need is to learn his lesson bahala siya kung hihingi siya ng sorry or dedeadmahin na lang niya ako. Bakit niya ako dedeadmahin? Kasi playboy siya. Anong connect? Malay ko.

Hay! But life must go on as they say. Kaya papasok ako sa school kahit may part sa akin na labag sa kalooban kong pumasok kasi alam kong wala akong maisasagot sa mga katanungan ng mga quiz ko.

Anlakas kong magyayang uminom yun pala andami palang dapat mangyari ngayong araw at di ako prepared. How was that naman di ba!

*~Hi babe, this is Kris! If you miss your call it's not my fault.~

Bigla akong nagulat nung biglang nagsalita si Kris! Haha meet my ringtone! Lol

'Tammy Calling'

"Hello?"

*Hello! Asan ka ngayon? Papasok ka ba?*

Uuuuh, actually alam ni ,Tammy yun nangyari kasi naabutan niya ako sa boarding ng umiiyak. Ayun muntik na niyang sinugod si Ace pero, pinigilan ko. Kasi kung nangyari pa yun, hindi ko na matake lahat ng nangyayari.

"Ahh oo papasok ako. Umm, bakit mo natanong?"

*Wala lang, kita na lang tayo sa gym ng school. May program kasi. So bali walang klase.*

"Takte! Wala! Di sana hindi na lang ako pumasok talaga!"

*Well, wala ka ng magagawa. Nakasakay ka na alam ko*

Sabagay wala naman na talaga akong magagawa.

"Sige! Kita na lang tayo sa gym."

*mwah! Ciao!*

-end call-

So ganun?! Walang klase ng first subject? Pero okay na din yun. Hahaha! Ligtas ako sa quiz *insert evil laugh*

Pagdating ko sa school, wala talagang taong pakalat-kalat sa campus. So totoo ngang may program. At ano namang program aber? Well, ano pa naman ang magagawa ko di ba.

Nung makita ko yung harap ng gymnasium, nakita ko si Tammy sa labas. Mukhang inaantay ako ah.

"Oh? Kala ko ba may program? Bat parang tahimik?"

Tanong ko sa kanya. Well totoo naman eh, bat ganun ang tahimik, di ba dapat may mga speech chu chu akong maririnig pero ni isa wala. Tas sumilip ako sa pinto, parang andilim. Sure bang program ito?

"Ahh, ehhh, wala pa yung mga dean kaya ayun! Tama wala pa yung mga Dean."

"Huh kakakita ko lang kanina kay Mrs. Sarmiento ah."

Actually nag-tataka na talaga ako

"Eh kulang pa sila. Ayun! Kulang pa sila kaya pasok na tayo."

"Wait! Ano ba to? Parang may di ka sinasabi sa akin ah!"

'Cause I smell na parang may tinatago itong babaitang ito sa akin. I know her di siya magaling sa pag-sisinungaling.

My un-ORDINARY LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon