Part 20: It was perfect

37 5 0
                                    

Cassie's POV

Hindi ko mapigilang mapangiti sa nakita ko. Ace having the family he wanted. The only thing he dreamt of. Alam ko at ramdam ko ang pangungulila niya. Alam kong sa isang yakap ng isang ina mawawala lahat ng yun. One important factor of our lives is our family. Kung wala sila, we will never learn how to love the right way. I know na hindi magtatagal ang galit ni Ace sa kanila dahil na nga rin sa pamilya niya sila. Kung ako lang din hindi ko kayang ipagpalit ang pamilya ko sa kahit ano. That's why I'm happy na nakinig siya sa akin. Na mas pinili niyang pagkatiwalaan yung mga sinabi ko. At dahil doon mas lalo  natuwa ang puso ko.

Napatingin siya sa kung nasaan ako and he mouthed 'thank you'. I smiled back to him. Bigla ko namang naramdaman yung puso kong kumakalabog. Kulang na lang lumabas siya sa katawan ko. I don't know I guess I'm just really happy sa mga nangyayari.

Nang bumitaw sila sa pagkakayakap, agad naman naming silang pinapasok ulit dahil ipinaghanda sila ni manang ng kape. Nung una ayaw pa nilang tumuloy, pero na-pilit din naman sila ng mga magulang ko.

Now nandito kami sa living room namin habang nagkwekwentuhan sila. Magkatabi kami ni Ace habang nasa lap naman niya si Clar. Ang cute cute nilang dalawa! Bagay na bagay silang mag-kasama! Sobrang magkamukha kasi sila. Little version talaga ni Ace. Mula sa mga mata na kumikinang pag tinititigan mo, sa ilong na sobrang matangos at ang sarap pisilin, hanggang sa mga labi na sobrang pula. I mean maganda at gwapo naman kasi yung magulang nila. Di na din naman nakakapagtaka.

"Iha, paano mo nga pala nakilala tong anak namin?" Tanong ng mama ni Ace nang nakangiti.

"Sa totoo lang po sa club. Bestfriend ko po kasi yung pinsan niya si Tammy. Nagkayaan po tapos saktong nandoon din po si Ace. Sobrang unexpected nga po nag pagkakakilala namin. Kahit na sobrang suplado niya po dati." Agad kong nilingon si Ace. He knows what I mean.

"Ay ganoon ba. Hahahaha mahilig pala kayong mga kabataan sa mga ganyan. " agad na singit ni tito.

"Nako! Tayo nga noon disco pa eh! Hahahah!" Sabay naman ni daddy na nagpatawa sa kanilang lahat.

Kung tutuusin kung pagmamasdan mo kami para kaming isang buong pamilya. Si daddy kumpare yung dad ni Ace. Si mommy ko kumare yung mommy ni Ace. Tapos kaming tatlo nila Clar nag bobonding. As in para kaming pamilya. Which is what I am hoping na mangyari hanggang sa dulo. I love Ace. Alam kong maaga, mabilis, pero ganun eh. Hindi ko mapigilan. It is not hard to love Ace, as long as you understand him. As long as you look at him as a whole. Alam kong madami siyang mga flaws. Ako din naman eh. Pero kung papairalin mo yung pagiging maunawain hindi talaga mahirap. Ang kinakatakot ko lang, sa sobrang bilis at sa sobrang lalim, baka di na ako makaahon baka...

Haaay nako Cassie! You love him okay. Kung sa kanya din naman ako mahuhulog mas gugustuhin ko pa pati malunod para sa kanya. Lakas talaga ng tama ko eh no?

Napatitig ulit ako sa kanya, ganun din siya. Hinawakan niya yung kamay ko at hinalikan. Napabawi ako agad ng kamay ko sa gulat. Siyempre nasa harap namin yung parents namin. Ano PDA sa harap nila? Parang di magandang tanawin yun. Pero kahit na ganun ay kinilig pa din ako. Ano ba yan! Wag kang ganyan!

Napatingin naman sila sa amin ng nakangiti. Nakakalokong ngiti actually.

"Kayo na ba?" Agad ng tanong ni daddy.

"You can say it like that tito. Wala pa pong sagot si Cassie pero doon na din naman po papunta eh" agad na kindat niya sa akin.

"Christian! That's not how you answer the dad of your soon-to-be wife. Say sorry."  Wife? Wth! Wife agad tita. Jusko. Di pa po ako ready. Joke! Papakasal ako sa kanya pero not now. Atat lang po?

My un-ORDINARY LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon