Chapter 24: Countdown

33 1 0
                                    

Cassie's POV

Weeks turned into days. Days turned into hours. Hours turned into minutes. Minutes turned into seconds. Ganyan ka-bilis ang panahon ngayong alam kong aalis si Ace. Aaminin ko ayaw ko siyang umalis. Kung maari dito lang siya sa tabi ko, but that's selfish and unhealthy. Ayaw kong ako yung dahilan ng hindi niya pag-abot ng pangarap niya. Ayaw kong ako yung dahilan ng pagkatali niya. Ayaw kong ang pagmamahal ko ang kakadena sa kanya at pipigilan siyang lumipad. Sabi nga nila if you really love that person, kahit masakit, pakakawalan mo. Mahal mo eh.

Hindi ko namang sinasabing maghihiwalay kami. Kung maari ayaw ko din non. Kaya kong mag compromise para kay Ace. I would do anything for him. Kung kinakailangang maging flexible, gagawin ko iyon para sa kanya. Alam kong mabilis yung nangyare sa amin. Alam kong mabilis akong nahulog sa kanya. Pero masisi niyo ba ako kung naramdaman ko dito sa puso ko na siya ang gusto ko. Siya yung lalaking nakikita kong magiging kasama ko sa future ko. The guy I would be waiting at home. The guy I wanted to see first thing in the morning and last face I wanted to see at night.

5 days na lang at aalis na si Ace. Nakilala ko kahapon yung babaeng sinasabi niyang magiging mentor niya. Ms. Margaret Gonzales. She was intimidating at first. Pero kalaunan eh napagtanto ko na mabait siya.

"You look beautiful Cassie. Sa wakas may babae nang nagpatino dito kay Christian." Sambit niya ng nakangiti.

Ngayong araw na ito, abala naman kami sa pagsusukat ng damit para sa anniversary ng kompanya ni Dad at ng Daddy ni Ace. Sa Friday na kasi yun. Sa Sabado ng madaling araw naman ang alis ni Ace. So ibig sabihin after sa party ihahatid ko kaagad siya sa airport. Iniisip ko pa lang, naninikip na dibdib ko. I gonna miss him so much. Ian puwedeng mag stay ka na lang?

"Love? What is it? Where'd you go?" Salita ni Ace na naka-yakap na pala sa baywang ko

"Huh?" Pagtataka kong tanong sa kanya.

"I was talking to you but you spaced out. Where'd you go Kaye." Sabi niya sabay patong ng baba niya sa balikat ko.

Naka-harap kami ngauon sa isang full length mirror. I can see the sincerity from his eyes through our reflection.

Ninananamnam ko ang bawat sandali. I will miss his touch. Definitely these back hugs.

"Wala. I'm just nervous about the ball." Assurance ko sa kanya. Ayokong makita niya na gusto ko siyang hindi umalis.

"Why? You're going to be the most beautiful woman in that ball. Ano naman ikinakakaba mo?" Nakangisi niyang sabi.

I smiled weakly.

Tumikhim ako. Tsaka nagsalita ulit.

"Because I am going to be with the most gorgeous bachelor in the world of business. And I know people may think I don't deserve you or you deserve better."

Agad niya akong iniharap sa kanya at binigyan ng isang halik.

"Masyado kang insecure kahit hindi naman kailangan. Kung meron mang hindi deserving sa ating dalaw, ako yun. I don't deserve you in this lifetime or in the next, that's why I am gonna work hard until I know that I am worthy of your love."

He said those words while looking straight to my eyes. I was breathless. God! Siya lang ang nakakagawa nito sa akin.

"Shut up and kiss me." Yun na kang ang nasabi ko.

Hinila ko yung batok niya para mahalikan ko siya. You don't need to prove yourself Ace. Ikaw lang ang kailangan ko. I don't need success. I don't need luxurious things Ace. I just need you. Pero, hindi naman yun ang dahilan ng pag alis niya eh. It was his dream. Way before he met me that was his dream. And i'm not gonna take that away because of my selfish needs.

My un-ORDINARY LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon