C6

1K 10 0
                                    

Chapter 6



Pagbalik ng klase ay hindi inaasahan ni Nicole na malelate siya ng gising. Kaya napatingin siya sa labas ng bintana at sinilip kung nandoon ba ang sasakyan ni Josh na naghihintay sa baba.



As expected, hindi siya hinintay nito. Napanguso nalang siya. Ang sama! Tinotoo talaga ni Josh ang sinabi nito noon na iiwan siya kapag late siyang nagising hmp! She prepared herself for school even if she's late already. It's better late than absent right?



Pagkatapos ng sampung minuto na paghahanda ay agad siyang nagpaalam sa magulang niya saka nagpara ng jeep sa labas ng subdiv nila. Nang makaupo siya ay sakto namang tumunog ang tiyan niya.



Shit, nakalimutan ko magbreakfast.



'Di bale bibili nalang siya sa school mamaya. Pagdating ng school ay binigay ni Nicole ang i.d. niya kay kuyang guard. She groaned. Wala siyang i.d. for three days kasi nalate siya, it means hindi siya makakalabas tuwing lunch! Malas bwesit.



"What's with the face?" Salubong na tanong ni Stef kay Nicole nang makarating siya sa room. "And himala late ka. Pasalamat ka walang teacher ngayon." Humalakhak ito.



Umirap siya at padabog na umupo sa pwesto niya. "Late akong nagising eh! Nakuha tuloy i.d ko. Hindi rin ako hinintay o ginising man lang ni Josh! Walangya." Salubong ang kilay na sabi niya.



"Ay speaking of Josh. Nakita ko silang sabay na pumasok ni Kats kanina. Kaso wala pa si Kats sa room kaya feeling ko nagbebe time pa sila ng bestfriend mo." Natahimik si Nicole sa sinabi ni Stef. Bigla niya kasing naalala yung nakita niya sa wallet ni Josh.



"That's good. Support." Tinaas niya ng konti ang kamao niya.



"Support pala ha," nakangising sabi ni Stefania. Napailing nalang si Nicole. Kung ano-ano na namang iniisip nito.



"Nicole, may nagpapabigay sayo." Napalingon si Nicole kay Daisy na kaklase niya nang may binigay itong bouquet of roses at isang box ng dairy milk. Nagsalubong ang kilay niya.



"Kanino galing?" Takang tanong niya. Nagkibit-balikat si Daisy. Tinanggap ni Nicole ang binigay nito kahit hindi alam kung galing kanino. Biglang tumili si Stefania.



"Gosh! Sino kaya ang nagbigay niyan! Omg, tignan mo yung card bilis! May card ba?" Napailing si Nicole dahil sa reaksyon ng kaibigan. Kala mo naman ito yung nakatanggap 'no?



Tiningnan niya ang bouquet na hawak niya at hinanap kung may card ba. Pero ang nakita lang niya ay isang papel na nakaipit sa isang rosas. Kinuha niya ito at binasa ang nakasulat.



'Have a nice day. Hope you like it.'- Ion.



Napakagat-labi siya. Why did he gave her flowers and chocolates? Is he courting her? Malalim siyang nag-isip nang biglang hinablot ni Stefania ang papel na hawak niya. Napairap nalang si Nicole.



"Omygod! Sino si Ion?! Kilala mo sis?" Tanong ni Stefania sa kanya. Tumango naman siya kaya tumili ulit ito at may pahampas pa sa balikat niya. "Sana all! Nanliligaw ba 'to sayo?"



She shrugged. "I don't know. He didn't say anything. Baka as a friend lang 'yan. Masyado ka talagang malisyosa," asik niya.



"May friend bang nagbibigay ng flowers tsaka chocolates?! Hello," tinirik pa nito ang mata kaya natawa siya ng kaunti.



"Meron kaya. Kami ni Josh, for example."



"Ah basta! Feeling ko nililigawan ka ni Ion. Pogi ba siya? Kung oo, aba sunggaban mo na. Kung hindi naman, sunggaban mo pa rin! Baka ma bash ka," humagikhik ito. Sumasakit ang ulo niya kay Stefania. Kung ano-anong iniimagine nito. Nasobrahan yata to sa cream sticks.



Friends With BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon