Chapter 10
Time flies so fast. Nicole already graduated on her senior high school years. Gusto niyang mag-celebrate pero may parte sa kanya na ayaw niyang gawin. Kasi she didn't even get a chance to go to their roadtrip, pati immersion niya, and then she was raped.
This is the worst year of her life. Sana wala ng susunod pa. Baka hindi na niya kakayaning magpatuloy sa buhay.
Nicole was watching her favorite movie when someone press the doorbell. Hindi na niya iyon pinansin kasi bubuksan naman 'yun ng katulong nila. May trauma na siya sa pagbukas ng pintuan. Namalayan nalang niya na may umupo sa gilid niya at inakbayan siya.
"Hey, bestfriend. Kumusta ka na? Ang hirap pala kapag malayo bahay natin 'no? Hindi ako sanay," reklamo ni Josh at napakamot ng ilong.
Matagal na silang nagkaayos simula noong practice rehearsal nila sa baccalaureate. Hindi niya alam pero bigla nalang itong lumapit sa kanya at nagmakaawang ibalik nila lahat sa dati.
Mahirap. Lalo na kapag malapit ito sa kanya at makaramdam siya ng kakaiba. She can't explain and she don't want to find out. That will make her awkward around him. Kaya as much as possible iniiwasan niyang isipin 'yun. At 'yun nga pinilit niyang ibalik lahat sa dati. Namimiss niya na din kasi ng bonding nilang dalawa. Pero parang blessing in disguise rin 'yung paglipat nila ng bahay.
Bigla siyang pinitik ni Josh sa noo. "Lalim ng iniisip natin ha."
Umirap siya dito at hinaplos ang noo niya. "Masakit 'yun ha! Bwesit to." Hinampas niya ang hita ni Josh.
Humalakhak ito. "Masakit?"
Hinawakan nito ang noo niya at hinaplos gamit ang hinlalaki nito. Napatitig siya sa mukha ni Josh pababa sa labi nito. His lips is very luscious and she wants to devour it right now. But she controlled her raging hormones and looked away.
"Namumula nga," he chuckled.
Umirap siya at tinulak ito. "Tse! Alam mo buti pa gawan mo 'ko ng cookies. Sige na." Niyugyog niya ang isang braso nito.
"Oo na." Ginulo nito ang buhok niya saka tumayo at pumunta sa kusina.
Pinagpatuloy ni Nicole ang panonood ng movie. Hanggang ngayon nagtataka parin siya kung ano na ang status ni Josh at Katarina. Hindi na kasi nagkukwento si Josh about sa babae. Ang alam niya lang nanliligaw parin si Josh dito. Bigla namang may kumurot sa puso niya.
They spent their day doing what they do before. Before those wreck situation they face. Tanggap niya na ang nangyari sa kanya. Pero hindi niya pa rin maiwasang matakot. Gabi-gabi siyang binabangungot. Hindi niya lang sinabi sa pamilya niya at kay Josh. Ayaw niyang mag-alala ang mga 'to. She also refused the therapy. She know she can't handle her nightmares and especially when something will triggered her dark experience. Ayaw niya lang talagang mapagastos ng malaki ang pamilya niya.
"Saan ka ngayong bakasyon?" Tanong ni Josh habang naglalaro sila ng chess. This is one of their favorite games.
Nag-isip siya. "Siguro uuwi ng Cebu? Kukumustahin ko lang ang lagay ni Lola. Alam mo na may sakit siya. But I also want to stay here dahil tinatamad ako mag-travel."
"Sakto pala nag-aya si Katarina sa'kin na magbebeach kami. You can come with us. Pwede mo ring isama si Stefania."
"Really? That's great! Kailan ba?" Tanong niya at binalewala ang nararamdamang selos.
BINABASA MO ANG
Friends With Benefits
Teen FictionNicole Del Rosaryo and Josh Asuncion are bestfriends since they were kids. Kumbaga magkadikit na ang atay nilang dalawa. Halos hindi na sila mapaghiwalay. They treat each other as siblings. Never did they imagine that they will fall for each others...