Chapter 20
Bagot siyang tumingin sa labas ng bintana ng van. Thinking of them makes her irritated. How could he bring that woman here? Sa birthday niya pa talaga? She closed her eyes tightly and gasped. Papunta na sila ngayon sa bahay ng Lola niya. Paglanding din ng eroplano na sinasakyan nila kanina sumalubong sa kanila si Manong Kiko, driver ng Lola niya. And Nicole can't wait to see her lola. She missed her so much.
"Piattos?" Nilahad ni Ion sa kanya ang kinakain nito.
She shooked her head. "Nah. I'm not hungry."
"C'mon, parang semana santa 'yang mukha mo. You need to loosen up, it's your birthday!" He smiled bago siya sinubuan ng piattos. Wala siyang nagawa kundi kainin nalang ito.
"I'm sleepy." She murmured to him and rest her head on Ion's shoulder.
"Rest well, sunshine." He mumbled. Napataas ang kilay niya sa huling sinabi nito pero hindi na nagsalita pa. That's so sweet of him.
"Ang sweet niyo naman! Nakakabitter," ngumuso si Stef.
"Jowain mo na kasi si Kenzie," pang-aasar ni Ion.
"Ayoko nga! Kung gusto mo mag-jowaan kayo!" Singhal nito kay Ion. Humalakhak naman ito pabalik.
She closed her eyes and bit her inside cheeks to prevent herself from chuckling. Hindi naman lingid sa kaalaman niya na nakikinig lang si Josh sa likod nila.
"Itong mga batang 'to puro kayo boyfriend-boyfriend. Mag-aral muna kayo ng mabuti," sermon ng mama niya. Naramdaman niyang umayos ng upo ang dalawa.
"Si Ion tita oh nang-aasar, baka siya 'yung may gusto kay Kenzie!" Pagsusumbong ni Stef.
"Aba't" Si Ion.
Pagdating nila sa mansion ay agad silang sinalubong ng mga pinsan niya. Namangha naman ang dalawang kaibigan niya sa bahay nila. Iniwasan niyang lumingon sa direksyon nila Josh. Ayaw niyang magkasore-eyes.
"Lola!" She exclaimed and run towards her grandmother. Nicole hugged her tightly but with gentleness.
"Apo ko! Kumusta ka na? Happy birthday," nakangiting salubong ng Lola niya. She smiled widely.
"Thank you, La. I'm okay. Kayo ba dito?" She asked and roamed her eyes around. Busy ang magulang niya sa pagpasok ng mga gamit sa kwarto. Lumapit naman ang dalawang kaibigan niya at bumati sa Lola niya.
"Hello po, Lola." Magalang na bati ni Stef at nagmano dito.
"Hello po." Pati si Ion din nagmano.
"Magandang umaga po," bati rin ni Kats at nagmano din. Ngumiti naman ang Lola niya dito at napabaling ang tingin kay Josh.
"Iho!" Masayang bati nito at niyakap si Josh.
"Lola," he smiled softly and hugged her Lola back.
"Kumusta ka na? Naku, ang laki-laki mo na! Parang noon pa lang naglalakad ka dito ng nakadiaper at walang damit," pang-aasar ng Lola niya. Her lips parted when her Lola said that. Tumikhim naman siya para 'di matawa nang makita ang nakangiwing mukha ni Josh.
Nakita niya ding ang pagpipigil ng tawa nila Stef.
"Magpahinga muna kayo alam kong malayo-layo din ang binyahe niyo." Iginiya sila ng Lola niya sa sala at pinaupo doon. Inutusan nito ang mg katulong na kunan sila ng pagkain kasi kaunti lang ang kinain nilang agahan.
BINABASA MO ANG
Friends With Benefits
Teen FictionNicole Del Rosaryo and Josh Asuncion are bestfriends since they were kids. Kumbaga magkadikit na ang atay nilang dalawa. Halos hindi na sila mapaghiwalay. They treat each other as siblings. Never did they imagine that they will fall for each others...