Chapter 2
"Goodmorning, Nicole!" Bati ni Kat sa kanya pagdating nito sa room. Tumabi ito sa kanya habang may malaking ngiting nakaplaster sa mukha nito.
She smiled at her. "Masaya ka ata ngayon?" Curious na tanong niya.
Mahinhin na tumawa si Katarina saka pinaglaruan ang daliri na nakapatong sa armchair. Namumula ang pisngi nito na akala mo nilagyan ng ilang liptint.
"About kasi kay Josh." Kinagat nito ang pang-ibabang labi hindi makatingin sa kanya ng diretso.
"What about him?" She asked. May nangyari na ba sa dalawa? Char. She's sorry about her actions the other day. Hindi niya alam kung bakit siya nagkaganon. Maybe her period is coming.
"Hiningi niya number ko kanina. Nagkasalubong kasi kami." Impit itong napatili. Her lips formed an 'o'. That's why Kats is like a fresh baby right now. Ngumiti si Nicole ng pilit.
"T-that's good. Kung kayo man ang magkakatuluyan alagaan mo siya ng maayos." Payo niya at umiwas ng tingin.
Hindi niya alam kung saan galing ang sakit sa dibdib niya. She try to ignored it but it still there. Siguro kakapuyat niya 'to. Dapat na siguro siyang magpacheck-up. Nang mag dismissal ay nagpaalam na siya kay Katarina.
She was preoccupied the whole day. Hindi niya alam kung bakit. Nakatulala lang siya buong araw. Hindi sila nagkasabay ng lunch ni Josh dahil may ginawa itong task na ngayon na ang deadline. Sa parking lot ng school siya dumiretso pagkatapos ng klase kasi alam niyang nandoon na ang kaibigan.
"I bought fries and coke float!" Nakangiting salubong sa kanya ni Josh pagdating niya sa parking lot.
May hawak itong plastic na naglalaman ng mga binili nito. Maliit lang na ngumiti si Nicole saka kinuha ang plastic na para sa kanya.
"Thanks." Saad niya saka pumasok sa loob ng kotse. Naguluhan si Josh sa inasta niya pero sumunod ito sa loob ng kotse saka isinara ang pinto.
"What's the problem? You look upset." Tanong nito sa kanya nang makapasok. Kumuha si Nicole ng dalawang piraso ng fries saka ito sinubo.
"Wala. I'm just tired." Walang ganang sagot niya habang ngumunguya, nakatingin lang sa bintana.
Sumeryoso ang mukha ni Josh. "I know if you're lying to me, Nix. So tell me what's the problem." Umiling si Nicole saka malaking ngumiti dito.
"I'm really tired. Don't overthink." Tumawa siya para hindi halatang may bumabagabag sa isip niya. She's bothered with what Katarina said. Hiningi ni Josh ang number ni Kats na ngayon lang ginawa ni Josh.
She's not used to it. Medyo nagulat lang siya kasi nag first move ang kaibigan niya. But what if hindi na siya pansinin ni Josh? What if babalewalain na siya nito kapag naging nobya na nito si Kat?
Kakalimutan ba nito lahat ng pinagsamahan nila kasi may iba ng babae sa buhay nito? Ngayon lang kasi nanghingi ng number si Josh sa ibang babae. Ni hindi nga nito tinatapunan ng tingin ang mga babaeng baliw na baliw dito. Pero kay Katarina...
She shooked her head and sighed deeply. Dapat hindi siya mabothered. She should be happy for him. Kasi sa wakas may babae na itong pinansin bukod sa kanya.
She realized that as they grow up, changes really happens. At isa ito sa mga pagbabago. She knows that soon they will separate because they'll have their own lives with someone else. Hindi pwedeng habang buhay nalang silang magkasama.
BINABASA MO ANG
Friends With Benefits
Novela JuvenilNicole Del Rosaryo and Josh Asuncion are bestfriends since they were kids. Kumbaga magkadikit na ang atay nilang dalawa. Halos hindi na sila mapaghiwalay. They treat each other as siblings. Never did they imagine that they will fall for each others...