C17

670 7 0
                                    

Chapter 17



She's staring on herself in the mirror. She can't believe what she's seeing right now! Nagmumukha siyang tao, tangina. She's wearing a beige tube gown may malaki itong slit sa hita niya at backless din ito. Ang buhok naman niya ay nakalugay at kinulot ito sa dulo.



Mahalaga ang araw na 'to para sa kanya. Debut na kasi ni Stefania. Icecelebrate sana ito last last week. Kaso may final exams sila kaya ngayon lang nagdecide ang parents nito na icelebrate ang debut ni Stef.



She smirked, still admiring herself. Aaminin niyang GGSS talaga siya. Hindi naman siguro masama iyon, mahal niya lang talaga ang sarili niya. Nag-hire din ang mama niya ng make-up artist para daw maayusan siya. Plano nga lang niya mag-dress but knowing Stefania hindi nito palalampasin ang debut without any grand.



Required daw lahat mag gown, well not gown na parang mas bongga pa sa debutant. Syempre yung mga simple lang and fitted. Kaya heto ang napili niyang suotin.



She heard a knock from her door. Sumilip ang ulo ng mama niya. "Ang ganda naman ng anak ko. Tapos ka na ba diyan? Nasa baba na si Josh, inaantay ka."



She sighed in annoyance. Ayaw niyang makasama si Josh pero wala siyang choice ngayon. Si Ion sana ang gusto niya kaso siya ang escort na pinili ni Stefania. Wala na daw kasi itong ibang kilalang disenteng lalake.



Peke siyang ngumiti sa mama niya. "I'll be right there in a minute, ma."



After checking her things ay agad siyang bumaba. Her eyes immediately caught Josh. He's wearing a dark blue tuxedo. His hair is a bit wavy and his eyes are staring at her in so much admiration. She licked her lower lip while walking towards him.



"Let's go." Saad niya ng walang emosyon. Aakmang lalampasan niya ito nang bigla nitong hinawakan ang siko niya.



"You're so beautiful, Nicole." He whispered in a low baritone voice. His eyes are very expressive. Pero wala na siyang pakielam sa mga emosyong pinapakita nito. Hindi na niya alam kung totoo ba ito o hindi.



"Matagal ko ng alam, Josh. Now let's go. We're not a special guest in the party where they can wait for us before they'll start the event." Masungit na saad niya at nagpatiunang lumabas ng bahay. She heard him sighed.



Nagpaalam muna siya sa mama niya bago tumulak. Pagbukas niya ng front seat ay nagulat siya nang makitang nakaupo doon si Kats.



'So, kasama pala ang isang 'to. I'm not informed that Stefania invited her.'



Wala siyang magawa nang ngumiti si Kats sa kanya at mangha siyang pinasadahan ng tingin.



"Ang ganda mo! Omg!" Kats squealed.



Palihim siyang umismid. Matagal na niyang alam ang bagay na 'yon. Paulit-ulit nalang. She composed herself and smiled a bit.



"Thanks," tipid niyang sagot saka binuksan ang backseat para doon pumwesto. "Magandang gabi ho, Mang Emilio." Bati niya sa driver nila Josh.



"Magandang gabi din sayo, iha." Magalang na sagot nito.



Pumasok naman agad si Josh sa kotse. Magkatabi sila ngayon sa backseat. She raised a brow but didn't say anything. Their travel is smooth and silent. Wala na siyang pake kung nangangalay na ang leeg niya kakatingin sa labas. Basta huwag lang lumingon kay Josh ay sapat na iyon para iwasan ito.



Friends With BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon