C7

1K 10 0
                                    

Chapter 7



Sabog na pumasok si Nicole sa school kinabukasan. Nangingitim ang ilalim ng mata niya at inaantok pa siya. She never waited for Josh to pick her up. She woke up early to avoid him. What happened to them yesterday is very unbearable to her.



Imbes na kiligin dahil sa wakas naramdaman na niya ang mga halik ni Josh mas doble yung sakit na tumama sa kanya nang biglang binitawan nito ang mga salitang 'yon. She was confused also why did he kissed her. Dala ba 'yun ng alak?



She just shooked her head. Sumasakit ang ulo niya!



"Nixy, you're here!" Bati ni Stef sa kanya pero nilagpasan niya lang ito at dumiretso sa upuan niya. She buried her face on her desk and sighed heavily. "Hoy te, okay ka lang?" Rinig niyang tanong nito sa kanya.



She remained silent.



"Ay cold treatment ka ghorl. Sige mamaya na kita kakausapin. Yung crush ko nasa labas," tumili si Stefania at narinig niya itong lumabas ng classroom nila.



Nicole secretly rolled her eyes. Ilang minuto siyang nag-iisip ng malalim nang bigla niyang maramdamang may umupo sa tapat niya.



"Nix."



Her body suddenly got frozen. It's Josh!



She composed herself first before looking up. Sobrang diin ng pagkakahawak niya sa sariling kamay dahil sa kaba. Bakit ba ang tagal ng professor nila?! Gusto na niyang magsimula ang klase para makaalis na si Josh! Potangina naman kung kelan gusto niyang maaga darating ang prof ngayon pa talaga natagalan.



"About what hap--" she immediately cut his words.



"It's okay. I know you're just drunk. It's definitely a mistake," she smiled fakely.



Josh nodded slowly while looking at her. "Y-yeah right... A mistake," he whispered the last words.



Nicole avoided her gaze to Josh. "It's really not a big deal. It's just a kiss after all. I've kissed many guys before, no biggies," relax na sabi ni Nicole na akala mo namang totoo eh virgin pa ang lips niya. Tanging si Josh lang ang nakahalik sa kanya 'no. Hindi lang 'yon basta halik lang! M-may ano pa...may ano. Ah basta!



He clenched his jaw before licking his lips. Napadako ang tingin ni Josh sa leeg niya. Biglang namula ang pisngi nito at umiwas ng tingin. Nicole suddenly got confused. Why does his face becomes red out of nowhere?



"Are you sick?" Tanong ni Nicole at aakmang hahawakan ang noo ni Josh pero bigla itong napaatras na akala mo'y mapapaso.



"How many guys do you have kissed already? How come I didn't know? We live almost of our life to each other but I didn't see you hanging out with some guys." Seryosong ani nito sa kanya.



She bit her lower lip. Paano niya sasabihing hindi naman totoo 'yon?! Sinabi niya lang niya 'yon para pagtakpan ang kahihiyang nangyari sa kanila kahapon!



Tinaasan siya ng kilay ni Josh nang hindi pa din siya sumasagot.



"Ah... Hindi mo sila kilala. Hindi ko naman sigurong kailangan sabihin sayo yung mga ganoong bagay diba?"



Dumilim ang mukha nito. "What?"



"I-i mean privacy ko din 'yon right? Pero teka nga bakit ka ba namumula kanina? May sakit ka ba?" Pag-iiba niya ng usapan.



Friends With BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon