Chapter 21
Naalimpungatan si Nicole sa naririnig na ingay galing sa baba. She quickly got up from her bed but she flinched when she felt exquisite pain between her thighs.
Kagat-labi siyang tumayo nang pumasok sa isip niya ang ginawa nila kagabi ni Josh. Walang oras na hindi siya nito inangkin ng paulit-ulit. She must admit, it's addicting. Wala naman sigurong mali kung may nangyari sa kanila diba? Tutal hindi pa naman nito gf si Kats.
Naligo muna siya at nagbihis bago lumabas ng kwarto niya. Hindi niya alam kung bakit ang ganda ng mood niya ngayon. Pagkababa niya laking gulat niya ng makita ang Kuya Elton niya, may katabi itong napakagandang babae. Her lips parted a bit, is that his fiance?! Nandoon ang lola at parents niya. Gising na din ang dalawang kaibigan niya pati yung ibang pinsan niya. Hinanap niya si Kats at si Josh pero wala ito doon.
"Nicole!" His brother greeted when he saw her. She quickly run to his brother and hug him. "Belated happy birthday, baby girl."
She smiled widely. "Thanks Kuya!"
Humiwalay siya sa yakap nito at tumingin sa babaeng katabi ng kuya niya. Her face screams expensive! Mahaba ang buhok nito na kinulot sa dulo. Nakasuot ito ng black off shoulder na dress na sobrang hapit sa katawan. She's hot! Mahinhin ang mukha nito nang ngumiti sa kanya.
"Hello, nice to meet you." Her voice is warm. Nicole blinked at tinanggap ang nakalahad na kamay nito. "I'm Fiona, your uhm, brother's fiance." Nahihiyang pakilala nito.
"Welcome to the family! Akala ko hindi na magkakajowa ang kuya ko." Niyakap niya ito na ikinagulat naman ni Fiona. They all laughed before heading to the dining room.
"I apologized for arriving late on your birthday, baby sis. Still have many things to do in my office," her Kuya Elton said. Nasa hapag na sila ngayon para kumain ng umagahan.
"It's fine, kuya. I still appreciate your presence. Thank you for inserting this on your busy schedule," she said politely. Ang layo din ng binyahe nito kaya okay lang talaga sa kanya.
Paminsan-minsan ay sumusulyap siya sa hagdan kung bumaba na ba doon si Josh pero natapos nalang silang kumain hindi bumaba ang dalawa.
"Naku, baka nag bebe time pa yun. Alam mo na." Kibit-balikat na sabi ni Stef.
She heaved a deep breath. Pagkatapos ng nangyari sa kanila ni Josh hindi muna niya iisipin ang mga bagay na nakakasakit sa kanya. She's very sure that every now and then magbabago ang isip nito kay Kats. He will stop pursuing that girl and choose her either. She's confident about that because what else would be the reason why they're having sex?
She knows Josh likes her. She can feel it. The way he make love to her that night. Hindi siya pwedeng magkamali. Kaya sigurado siya na darating ang panahon na marerealize nito na hindi nito mahal si Kats.
Kaya hahayaan niya muna ang dalawa. She won't let it affect her starting from now. Though she's having doubts that maybe her hunch was wrong but what will happen if she will just sit down and cry, right?
"Punta tayo sa quartel!" Aya ni Lily. Alas diyes palang ng umaga kaya masyadong mainit sa labas. Sumangayon naman si Stef at si Ion sa ideyang iyon.
"Excited na'ko!" Si Stef.
Mamayang hatinggabi sila babyahe pabalik sa Maynila. Kaya susulitin nila ang mga natitirang oras dito sa Cebu. Nagbihis siya ng spaghetti strap at puting highwaist shorts saka pinaresan ng sneakers na sapatos. Sinuot niya din ang puting cap niya bago lumabas ng kwarto.
Napaawang ang labi niya nang makita si Josh na kalalabas lang sa guest room. Their eyes met. Uminit ang pisngi niya nang maalala ang makamundong pagnanasa nilang dalawa kagabi. She bow her head a bit.
"G-goodmorning"
"Morning," he answered with a deep and husky voice. Nicole lifted her head when Josh walked towards her. "How's your sleep?" He asked. Medyo magulo ang buhok nito tanda ng bagong gising. Sinipat siya nito mula ulo hanggang paa.
Bigla naman siyang na-conscious sa hitsura niya. "It's fine." Hindi siya makatingin ng diretso sa mukha nito
"May lakad ka?"
"Uh, oo. Pupunta kami sa quartel. Where's Kats? Sasama... ba kayo?"
Hindi ito sumagot bagkus hinawakan nito ang baba niya bago pinatakan ng halik ang labi niya. Her eyes widened. She didn't expect that!
Bahagya niya itong tinulak. "Josh, not here."
"Hmm," he just said and kissed her again before turning back like nothing happened. Nicole was too stunned to speak. Nakatulala lang siya sa likuran ni Josh hanggang sa mawala na ito sa paningin niya.
Pagkababa niya ay nakita niya si Josh doon kausap ang mga pinsan niya. She avoided his gaze when he looked at her. Tumikhim siya at tumingin sa ibang gawi. Nagkasalubong naman ang mata nila ni Ion.
His face was serious while looking at her. She smiled at him. Maglalakad lang sila papuntang quartel kasi malapit lang naman iyon sa bahay nila. Dumaan sila sa shortcut para mas mapabilis ang pagdating doon.
"Ang ganda talaga kapag probinsiya 'no. Sobrang presko ng hangin," natutuwang sabi ni Stef. Tinatangay ang buhok nila sa hangin. Malapit kasi ito sa dagat kaya sobrang refreshing sa pakiramdam.
Sumulyap siya kay Josh at nakita niyang nakatitig ito sa kanya. Nakawahak naman si Kats sa braso nito at halatang natutuwa din sa palagid.
"Maraming mga stalls sa quartel! Kaya prepare your money na kasi ang sasarap ng mga tinitinda doon!" Si Lily.
"Jowa mo na ba?" Rinig ni Nicole ang tanong ni Orion kay Josh. She glanced at them. Nakangisi lang si Josh kay Orion.
"Nanliligaw palang siya," natatawang sagot ni Kats. Nakita niyang sumulyap sa kanya si Kian kaya tinaasan niya ito ng kilay.
He just grinned at her kaya inirapan niya ito. Anong ibig sabihin non?
"Ilang buwan na?" Pahabol ni Ysmael. Isa din ito e, napakachismoso.
"Mahigit isang taon na." Sagot ni Josh. Gulat na gulat naman ang tatlo.
"Seryoso?!" Si Orion.
Josh nodded. Pasimple itong lumingon sa kanya pero umiwas siya ng tingin dito at tumingin nalang sa nilalakaran.
"Akala ko crush mo si Nicole. Mali pala ako." Natatawang saad ni Kian. Naningkit ang mata ni Nicole sa kanya. Suminghap naman si Kats at natahimik.
"A-ano bang pinagsasabi mo diyan loko-loko ka! Magkaibigan lang kami," Nicole retorted.
Umismid naman si Kian. Parang napilitan pang paniwalaan siya. Naramdaman niyang may humawak sa kamay niya, napatingin naman siya kay Ion.
He smiled at her. "I'm courting her actually."
Naghiyawan naman ang mga lalake. Tahimik lang si Josh sa isang tabi pero hindi na niya ito napansin kasi binaha na sila ni Ion ng tanong ng mga pinsan niya.
"Do you like him?" Biglang tanong ni Lily.
She's a bit hesitant to answer it but her eyes suddenly gaze on Josh and Kats hands intertwined. Kumirot ang dibdib niya sa nakita.
"Yes. I like Ion." Huli na para bawiin niya ang binitawan niyang salita. Tumingin ulit siya kay Josh at sumalubong sa kanya ang malamig na titig nito.
--
A/N: Kindly support my second story 'Talk Dirty To Me' <3
BINABASA MO ANG
Friends With Benefits
Teen FictionNicole Del Rosaryo and Josh Asuncion are bestfriends since they were kids. Kumbaga magkadikit na ang atay nilang dalawa. Halos hindi na sila mapaghiwalay. They treat each other as siblings. Never did they imagine that they will fall for each others...