C12

941 9 0
                                    

Chapter 12

SIMULA ng may mangyari sa kanilang dalawa ni Josh ay parang naging awkward na siya tuwing nalalapit siya rito. Minsan nagtataka din siya kung naawkard din ba ito sa sitwasyon nila kasi kung umakto ito ay parang wala lang nangyari sa pagitan nilang dalawa. Kagaya nito.



"Uy Nix, hatid na kita pauwi," saad ni Josh nang magkita sila sa mall isang araw. Sakto din kasing may binili itong regalo para sa birthday ni Kats. Oo, pati siya ay bumili rin ng regalo para kay Kats.



"Sige ba. Si Kats 'di mo kasama?" Tanong niya habang naglalakad sila palabas ng mall.



Napakamot ito ng batok. "She's busy studying. May entrance exam sa papasukan niyang university. Doon siya magcocollege."



Napatango nalang siya. Hindi niya talaga maiwasang isipin ang nangyari sa kanilang dalawa, parang tanga lang. Samantalang si Josh ay parang wala lang. Baka naisip nito na kalimutan nalang ang nangyari sa kanilang dalawa nung gabing iyon? Pero sabi nito na he will treasure that moment daw. Ano yun, keme keme lang ganern? Pampaganda ng sex vibes nila? Leche.



"Ikaw saan mo balak mag-college?" tanong nito matapos ng ilang minutong katahimikan. Naglalakad lang sila pauwi kasi malapit lang ang bahay nila sa mall.



"Doon pa rin sa school natin. Katamad maghanap ng ibang school eh." Kibit-balikat niyang sagot.



"Balak ko rin sanang samahan si Kats sa university na papasukan niya kaso ayoko namang iwan ang kaibigan ko 'no," nakangising sabi nito bago siya akbayan.



Pilit siyang tumawa. Yawa, kaibigan nga lang pala siya. Dapat matagal na niyang alam 'yon. Totoo yata yung sinabi ni Stefania sa kanya na hanggang ngayon may feelings pa rin siya kay Josh. Oo, aaminin niyang nagka-crush siya dito noong elementary pa sila. Noong highschool niya naisipang itigil ang nararamdaman niya kasi hindi naman umuusad ang status nila. Hanggang friends lang talaga ang turing nito sa kanya. Siya lang naman ang nagbibigay ng malisya sa mga ginagawa nito sa kanya. Kaya ngayon nganga siya kakaasa.



Pero simula noong unang halik nila sa kwarto ni Josh. Parang bumalik ulit ang nararamdaman niyang atraksyon dito na matagal na niyang binaon ng ilang taon. Parang nabuhayan siya ng pag-asa.



"Sus, ano ka ba. Kung mahal mo talaga si Kats sundan mo siya doon sa papasukan niya. Tsaka duhh, kaya ko naman ang sarili ko. Bibisitahin ko rin kayo doon, kaya dapat bisitahin niyo rin ako 'no. " Kunwareng masayang sabi niya, may nakatago palang pait bawat salita.



His smile faded. "No."



Nawala din tuloy ang pilit na ngiti niya. "Huh? Why? It's your chance Josh. Alam mo, kung ako ang inaalala mo, okay lang naman ako. Tsaka nandiyan naman si Stef at Ion." Tinapik niya ang balikat nito.



He suddenly stop walking and face her. "Lalong hindi ako papayag."



She snorted. "Baliw ka talaga. Naku ka, kapag ikaw hindi sinagot ni Kats, iyak ka chong."




He step forward to her kaya hindi niya maiwasang mapaatras.




"If I said I'll stay where you are, I'll stay hmm?" He whispered and touch some strands of her hair.




She gulped and nodded slowly. Lumayo ito sa kanya at naglakad ulit kaya napabuga siya ng hangin sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya. Napamura nalang siya ng tahimik.  Nang makarating sa bahay nila ay agad namang nagpaalam si Josh na aalis na dahil nag-text si Kats rito at sinabing papupuntahin ito doon. Tumango nalang si Nicole ng malungkot sabay talikod para pumasok sa loob. Hindi niya napigilang ipakita ang lungkot kay Josh. Gusto niyang isipin nito na samahan nalang siya kaysa kay Katarina.



Friends With BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon