Chapter 27
Napabuntong-hininga siya ng matapos ang klase nila. Grabe, hindi nya kinaya ang oral recit ni attorney! Mangiyak-ngiyak niyang sinalubong si Stef na naglalakad palapit sa kanya. Tapos na din pala ang klase nito.
"Oh anyare sa'yo 'te?" Salubong agad nito. Nicole hugged Stefania's arm and sulk like a baby.
"Mag-shift na kaya 'ko," wala sa sariling sabi niya.
Binatukan naman siya nito na ikinasama ng mukha niya. "Bobo ka ba, ba't ka magshishift oy! Ang layo na ng narating mo oh. 2nd year ka na, ngayon ka pa ba susuko?" Sermon nito.
Sabay silang nag-lunch ni Stef at kinuwento na rin nito ang lovestory nila ni Kenzie.
"Kinukulit kasi niya ako. Tapos lagi pa siyang sumusunod sa'kin. Well, I kinda like it din naman kaso ayoko talaga sa commitment, beh. Kaya nga hanggang fling lang ako. Pero wala eh, marupok si ate mo." Napahalakhak si Nicole sa sinabi nito.
"Pansin ko nga din." Hinampas naman siya ni Stef sa sinabi niya.
"But you know what—" Pinutol naman niya ang sasabihin nito.
"Hindi pa eh." Napa-'aray' naman siya ng batukan siya ni Stef.
"Walangya ka talaga! Pero seryoso kasi." Stefania's face was a bit worried kaya umayos naman siya agad. Stef sighed. "You already know that I'm not a virgin na, right?" She whispered.
She nodded confusely. Ano namang meron kung hindi na virgin ang kaibigan niya? Don't tell me Stef's worried that Kenzie will leave if he'll find out about it?
Umiwas ng tingin si Stef sa kanya. "When I was in his apartment we talked about our future and other cheesy things..." saad nito at natawa ng mahina. "Then I asked him if what is his ideal girl before he met me. Then he mentioned that virginity really matters to him. Kaya nag-away kami noong nakaraan dahil nalaman na niya ang tungkol doon."
Agad naman nasira ang timpla ng mukha ni Nicole ng marinig iyon. Excuse me, what? Doon lang din niya narealize na si Kenzie pala ang nakita nila ni Ion dati na nag-aaway.
"Napakagago naman niya." Nicole furiously said.
Stefania shooked her head. "It's okay, Nix. Hindi naman kami ikakasal 'no. Baka nga hindi kami aabot ng isang buwan. Tsaka iyon din ang rason kung bakit kinabahan ako no'ng nalaman mong may relasyon kami. I'm still not sure about our status but he persuaded me and assured me that time that he will never leave me and that he will never do that."
Hinawakan niya ang kamay nito at pinisil. "You deserve someone who will accept you, Stef."
Pagkatapos ng heart to heart talk nilang dalawa ay nagpaalam na sila sa isa't-isa, may klase pa kasi ito. Si Ion naman busy din sa group project nito kaya siya lang mag-isa ngayon. Mamayang 6pm pa kasi ang class niya kaya tatambay muna siya sa library. Kunyare matalino.
Hindi naman niya inaasahan na makikita niya doon si Leonor. Siya yung transferee na naligaw dati. Nilapitan niya ito pero hindi siya nito kaagad napansin dahil busy ito sa pagbabasa ng libro.
"Hi Le! Kumusta ka?" Pabulong niyang bati at umupo sa tapat nito.
Leonor glanced at her and instantly smiled. "Hello po."
Nicole chuckled. Ang galang naman ng batang 'to! Feeling niya tuloy ang tanda na niya. Mahina silang nag-uusap paglipas ng ilang oras. 1st year pa pala ito at BSA student rin. Nanghingi din ito ng advice sa kanya kung paano makakasurvive sa degree program na ito.
BINABASA MO ANG
Friends With Benefits
Teen FictionNicole Del Rosaryo and Josh Asuncion are bestfriends since they were kids. Kumbaga magkadikit na ang atay nilang dalawa. Halos hindi na sila mapaghiwalay. They treat each other as siblings. Never did they imagine that they will fall for each others...