C1

2.2K 17 1
                                    

Chapter 1




"Nicole! Bilisan mo nga diyan! Ang tagal mo," sigaw ni Josh sa kanya sa baba. Sinuklay niya muna ang buhok gamit ang kamay saka ngumiti sa harap ng salamin.




She sighed. "Wala talagang kupas ang ganda mo, Nicole." Puri niya sa sarili saka humagikhik.




Kinuha niya ang backpack niya saka lumabas ng kwarto. Pagkababa niya galing sa taas, ay nakita niya si Josh na nakalukot ang mukha habang nakatayo sa may pintuan nila.




"Palagi mo nalang pinaghihintay 'yang kaibigan mo. Oh siya, umalis na kayo baka malate kayo sa school," saad ng kanyang ina.




Matamis siyang ngumiti at hinalikan ito sa pisngi. Nicole doesn't care if Josh will wait there until evening though. Char.




"Bye nay. Ingat ka po dito," paalam niya saka lumapit kay Josh at humawak sa braso nito.




"Hi bestfriend! Pinaghintay ba kita?" Halos mapunit na ang kanyang labi sa sobrang laki ng kanyang ngiti habang nakatingin sa kaibigan.




Napailing nalang si Josh saka ginulo ang buhok niya. She groaned. Ilang oras siyang nag-ayos ng buhok niya tapos guguluhin lang!




"Hindi mo 'ko madadala sa pagpapacute mo. Starting tomorrow you should wake up early. I'll fetch you at 7:00 am. 7:01 is considered late. Kaya kapag nalate ka ng isang minuto, iiwan kita at pupunta ka ng school mag-isa," sabi nito. Napanganga naman siya sa sinabi ni Josh.




"Are you serious?!" Hindi makapaniwalang saad niya. He nodded and smirked.




Napapadyak naman sa inis si Nicole. Talaga bang iiwan siya nito? Ang sama! Sabay silang pumasok ni Josh sa kotse nito.  Hindi pa pinayagan ang kaibigan niyang magmaneho  dahil wala pa ito sa wastong edad. But Josh knows how to drive naman. May hatid sundo ito para alam ng magulang ni Josh na safe silang nakauwi na dalawa. 




Humalukipkip siya sa isang tabi saka ibinaling nalang ang tingin sa labas. Bigla niyang naramdamang hinawakan siya ni Josh sa balikat.




"Hey, are you mad?" Masuyong tanong nito saka sinilip siya. Hindi siya umimik kaya napabuntong-hininga si Josh. 




"Are you mad because of what I said earlier?" Malambot ang boses nito kaya biglang nawala ang inis na naramdaman niya kanina.




This is so unfair! Bakit ang dali niyang bumigay sa boses nito? She turned her head to Josh while pouting. 




"Bakit kasi ganoon ang gusto mo. Eh alam mo namang matagal akong nagigising," reklamo niya. He chuckled.




"Exactly. Matagal kang nagigising, that's why I want you to practice waking up early. Do you love me, aren't you?" Tanong nito. Bumilis ang tibok ng puso niya sa tanong nito.




She nodded. "Syempre! Utol kita eh."




"Then please do it for me if you love me?" Saad nito saka ngumiti ng matamis sa kanya. Bigla siyang nasilaw sa ngiti nito kaya napaiwas siya ng tingin saka tumikhim.




"Okay. If that's what you want. Wala na akong choice." Labas sa ilong na sabi niya.




Iniimagine palang niya na hindi na magtatagal ang tulog niya ay para na siyang maiiyak sa sakit. Sanay pa naman siyang magpuyat tuwing gabi huhu.




Friends With BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon