C13

816 6 0
                                    

Chapter 13



Inis na binaba ni Nicole ang hawak niyang phone. Kanina niya pa tinatawagan si Josh pero ang hudas hindi man lang sinasagot ang tawag niya. Nagriring naman ang phone nito.



Plano kasi nila ngayon na sorpresahin si Katarina sa bahay nito. Birthday na kasi nito ngayon. Kasama nilang mag-prepare ang mga katulong nito sa bahay. Magkasama rin ang dalawa kasi iyon ang plano ni Josh, ang idistract muna si Kats habang nagpeprepare sila sa bahay. Kaya pinasyal muna nito ng bestfriend niya sa mall.



Pero anong oras na hindi pa dumadating si Josh at Kats. Hindi niya rin alam kung saang lupalop napadpad ang dalawa ngayon. Kanina pa rin kino-contact ni Stefania si Katarina.



She sighed frustratedly. "Tangina nasaan na ba sila," inis na saad niya. Tumingin siya kay Stef. "Hindi pa rin sinasagot?"



Umiling ito. "Hindi eh. Nag-alala na ako."




Pati siya nag-alala sa dalawa. Baka naaksidente ito o ano na. Kahit labag sa loob niya ang tumulong dito at masakit sa dibdib niya, ginawa niya pa rin para sa kasiyahan ng bestfriend niya. Nakakainsulto sa parte niya pero pakiramdam niya wala siyang karapatang magreklamo dahil ginusto niya ang nangyari sa kanila ni Josh kaya dapat harapin niya ang kapalit nun.



"Argh! Madami pa akong meet up ngayon para sa transaction ko. Nasaan na ba ang pinsan kong 'yun!" Inis na di-nial ulit ni Kamille ang numero ni Kats sa selpon nito.



Mag-pinsan pala si Kamille at Kats. Minsan lang ang mga ito na magkita ayon kay Kamille. Busy din kasi ito sa sariling negosyo. Tinulungan sila nito sa pagprepare at pag-aayos para sa celebration.



Ilang oras silang tulalang tatlo sa living room. Parehong hindi alam ang gagawin.



"Uupo lang ba tayo dito?" Tanong ni Nicole sa dalawa.



"Anong gusto mo? Pahirapan natin ang mga sarili natin sa dalawang taong ayaw magpakita? Anong oras na mag-aalas ges na ng gabi. Sayang lang yung effort natin dito, lintik na yan." Tumayo si Kamille at kinuha ang body bag nito.



"Pakisabi nalang kay Kats na uuwi na 'ko. Sinasayang niya lang ang oras ko." Tinalikuran sila nito at lumabas ng bahay.



Nakalimutan niyang sabihin na madali lang pala magalit si Kamille. Naintindihan niya kung bakit. Marami itong imemeet up pero nadelay lahat kasi ang expected na oras ng uwi nito ay hindi natuloy.



"Alis na tayo? Wala naman tayong mapapala dito." Saad niya kay Stef at aakmang tayo.



"Ano? Paano yung mga pagkain? Sayang iyon!" Histerikal na sabi nito. Napairap nalang siya.



"Puro pagkain nasa utak mo tsk. Si Kamille nga na pinsan ni Kats, hindi kumain. Tayo pa kaya na kaibigan lang. Lika na nga." Hinila niya ito sa papulsahan.



Nagpaalam muna sila sa mga katulong at humingi ng tawad dahil sa naudlot na celebration. Pinagbalot din sila ng mga katulong ng mga ulam. Tatanggi sana silang dalawa ni Stef ngunit nagpumilit ito. Tinanggap nalang din nila, dahil naghirap din ang mga ito sa pagluluto. Masasayang lang kung mapanis.



"Una na 'ko!" Kumaway si Stef sa kanya bago pumasok sa taxi. Nicole waved back until she can no longer see the cab.



"Nasaan na kaya sila?" She whispered to herself and sighed.

***

Tumingin si Nicole sa cellphone niya, nagbabakasaling nag-text man lang si Josh. Dismayado siyang napabuntong-hininga. Nasaan na ba ito ngayon? Magkasama pa rin ba si Josh at Kats? Pero kung magkasama ang dalawa, sana nag-text ito sa kanila para aware naman sila at maiwasan din ang pag-alala.

Friends With BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon