C4

1.3K 11 0
                                    

Chapter 4



Good mood na pumasok si Nicole sa school. Buong weekend kasi sila nagbonding ni Josh. Parang nabawi lahat ng lungkot na naramdaman niya sa mga nagdaang araw. 



"Why didn't you wait for me?" Sumulpot bigla si Josh sa gilid niya. Sinasabayan siyang maglakad.



"Ang tagal mong bumaba eh. Tinatamad akong maghintay," saad niya at tumawa. She heard Josh 'tsked'. Kaya lumingon siya dito at nakita ang asar na mukha nito.



"Oh ba't ka galit? Sabay na nga tayo oh." Tinuro niya ang dinadaanan nila.



Napailing nalang si Josh. "Ewan"



She just chuckled and cling on Josh arms. But her smile quickly faded when they saw Katarina approaching them. Umiwas siya ng tingin at palihim na umismid.



"Goodmorning Nicole! G-goodmorning Josh!" Malaki ang ngiting nakaplaster sa mukha ni Kats ngunit may halong hiya.



"Morning," labas na ilong na sagot ni Nicole at pilit na binigyan ito ng ngiti. They're still friends naman. Pero hindi niya feel maging friends dito.



"Hey, goodmorning." Binigyan ito ng ngiti ni Josh. Nakita niya kung paano tumitig ang kaibigan niya kay Katarina kaya iniwas niya ang tingin kay Josh at binitawan ang braso nito.



"Uhm, I gotta go first. I think you need baby time." Tumawa siya, kunyare inaasar ang dalawa.



"Wait Nix—" Hindi na niya nilingon si Josh at diretsong naglakad paalis. Her sight got blurred because of the tears that she can't control. She sniffed and caress her chest.



It hurts and she don't know why.



Pinigilan niya ang luhang nagbabantang tumulo pero hindi niya kaya. She was walking faster when she bumped to a person.



"I'm sorry." Nakayukong saad niya at lalagpasan sana ito nang bigla siya nitong hawakan sa braso.



"Nicole is that you? Wait, are you crying?" Si Asher pala.



Umiling siya saka natawa. "Naalala ko kasi yung pinanood kong kdrama kaya naiyak ako don't worry." She laughed trying to convince him. Asher slowly nodded and put his both hands inside his pocket.



"Okay sabi mo yan ha," ani nito at nakita niyang sumulyap ito sa likuran niya.



"Sige una na ako, Abo. Malapit na magstart ang class namin." Ngumiti si Nicole kay Asher saka nagmadaling umalis. Imbes na dumiretso sa room niya ay lumiko siya sa isang hallway papunta sa rooftop nila. Pagdating niya doon ay agad niyang nilapag ang bag niya at umupo sa dulo. Winagayway niya ang paa niya habang nakatingin sa ilalim. She saw the student's walking everywhere at mga sasakyang dumadaan sa harap ng school nila.

Friends With BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon