Short updates na every chapter. I want to finish this as soon as possible para makapagfocus na ako sa susunod na story. :>
----
Chapter 16
The day of their examination came. Sobrang kabado ni Nicole but despite of being nervous she's confident to answer it all. Pagiging kabado ay isa sa dahilan kung bakit namemental block tayo tuwing exams. Kaya dapat chill lang.
Nakita niya si Stefania na sobrang lalim ng eyebags pagkapasok ng school gate. Nilapitan niya ang kaibigan at inakbayan ito.
"Hindi halatang nagpuyat ka, Stef." She grinned to annoy her. Umirap ang kaibigan.
"Manahimik ka diyan. Hindi nakakatuwang mag-aral hanggang alas-kwatro," nakasimangot na sagot nito.
Humalakhak naman si Nicole. "Dapat kasi hindi ka nagpupuyat tuwing exams kasi hindi maalala ng utak mo yung mga inaral mo paggising mo. Cramming pa."
Napanguso si Stef. "Nakakatamad kaya magmemorize. Buti ka nga may oras mag-aral kahit hindi exams," reklamo nito.
She chuckled. "Oo naman. Puro ka kasi cellphone tsk tsk." Pagkatapos nilang magkulitan ay nagpaalam sila sa isa't-isa para pumunta na sa kani-kanilang classroom.
She was about to go inside when her eyes caught someone. Nakita niya si Kats na nakasandal sa railings habang ngumingisi ito sa kausap. Doon niya nakita si Josh na kinukulong si Kats gamit ang bisig nito.
Nicole gasped and bit her lower lip. Ang sakit nila sa mata. Gandang-ganda ang araw niya tapos ito ang sisira sa araw niya? She smirked bitterly. Ganda naman ng landian ng dalawa, sa hallway pa talaga? But why is she here anyway? Pwede palang pumasok ang taga ibang school dito? Sabagay hindi pa naman nagsisimula ang exams nila. Maybe she just wants to say goodluck to him. She blinked her eyes to avoid her tears from falling before going inside the classroom.
She cleared her thoughts. Hindi pwedeng ngayon pa siya madidistract dahil lang sa nakita. So what naman kung ganoon sila, Nicole? It's not your business anymore. Nililigawan niya si Katarina kaya natural lang 'yon sa kanila.
Huminga siya ng malalim bago nagreview ulit.
----
She stretched her arms and yawned. Sa wakas tapos na ang exam for today! She can rest and review the subjects again for tomorrow's exam. Last day na ng exam nila bukas. Irereward niya talaga sarili niya kapag malaking marka ang nakuha niya. Plano niya din masali sa deans lister para meron siyang discount sa tuition niya sa susunod na sem.
Nakasalubong naman niya si Stef paglabas ng room. Gusto niya itong batiin kaso wala siya sa mood para doon. She licked her lower lip and sighed.
"Nixy! Kumusta exams?" Salubong nito sa masiglang tono.
She shrugged. "Hindi naman masyadong mahirap."
Gulat naman itong napaamang. "Ikaw na, beh."
Ngumisi lang siya ng tipid. Habang naglalakad sila palabas ng school bigla niyang nakita si Josh. Mag-isa lang itong naglalakad. His eyes are fixed to her but she immediately avoided it.
"Nasaan nga pala si Ion?" Tanong nalang niya kay Stef.
"Aba malay ko. Nandiyan lang siguro 'yan sa tabi-tabi."
BINABASA MO ANG
Friends With Benefits
Teen FictionNicole Del Rosaryo and Josh Asuncion are bestfriends since they were kids. Kumbaga magkadikit na ang atay nilang dalawa. Halos hindi na sila mapaghiwalay. They treat each other as siblings. Never did they imagine that they will fall for each others...