C26

397 8 4
                                    

Chapter 26



"Ano 'yan?" Pang-usisa ni Stefania sa dala-dala niyang paper bag.



She smiled a little. "Bigay ni Ion."



Tumaas ang kilay ni Stef. "Ang layo naman ng sagot mo sa tanong ko, beh."



Nicole shrugged. "How will I know? Kita mo naman sigurong may stapler pa, it means di ko pa nabubuksan. Tanga ka ba?" Pagtataray niya. "Tsaka hello if literally speaking, paper bag 'to. Saktong-sakto sa tanong mo."



Nagbangayan pa sila ni Stef bago dumating sa 3rd floor ng Business and Management Department.



"What room ka ngayon?"



"309," she answered.



"Sige kita nalang tayo sa labas ng gate. Sa labas daw tayo kakain."



"Ayoko nga." Nicole teased her.



"Sasabay daw sina Kat."



Sandali siyang natahimik. Why would she even want to eat their lunch together? She hate Kat to bits. But she will not admit it to Stef. Nagtaka naman si Stef sa pananahimik niya.



"Baka may exam pa tayo 'no?" Stef said sarcastically kasi ang tagal niyang sumagot.



Tumango nalang siya. "Oo na! Nabubwesit kasi ako sa pagmumukha mo." Tumalikod na siya at naglakad palayo.



"Kapal ng mukha mong bruha ka!" Sigaw nito sa hallway kaya natawa nalang siya. Pinagtitinginan na sila ng mga estudyante pero inignora nalang niya iyon.



Kinapa niya ang bulsa niya at napagtantong pinahawak niya pala kay Stef ang phone niya kanina. Kaya agad niya itong binalikan pero wala na ito doon. Naalala niyang 321 pala ang room nito sa kabilang hallway kaya mabilis siyang tumakbo papunta doon.



She checked her wristwatch and silently cursed when she realized she's 1 minute late already.



Nang makita si Stef sa hallway ay lalapitan niya sana ito ngunit may kasama itong lalake. Nakatalikod ito kaya hindi niya mamukhaan kung sino pero sobrang pamilyar ng buhok nito.



She carefully walked near them and overheard their conversation.



"What time is your vacant?" He heard the guy asked. Nang makilala ang boses nito ay napatakip siya ng bibig.



"Why would I tell you?" sagot ni Stef.



Nicole heard him sighed. "Because I'm your boyfriend, love. If it's because of our fight last time that you're acting so cold to me right now, I'm sorry okay? You know I love you and I will never do that to you. Kaya please wag ka ng magalit." Malambing ang boses nito kay Stef.



"Tsk. Oo na." Bigay ni Stef kaya natawa si Nicole.



Omygad! Hindi pa rin siya makapaniwala na boyfriend na nito si Kenzie! Ni hindi man lang siya sinabihan ng gaga! Ang rupok pa, awit.



"Sana all diba may shota na. Hindi man lang ako sinabihan." Malditang sabi niya. Nang marinig ang boses niya ay sabay napalingon ang dalawa sa kanya.



Namutla naman si Stef. "N-nicole, anong ginagawa mo dito?"



Imbes na sagutin ang tanong nito ay tinaasan niya lang ito ng kilay. Stef looked at Kenzie, para namang naintindihan ni Kenzie ang sinasabi ng kaibigan niya kaya agad itong nagpaalam sa kanya at umalis.



Friends With BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon