C25

321 6 0
                                    

Chapter 25



Humikab si Nicole bago hinilot ang sentido niya. She's been studying for 6 hours because their prelim exam is next week. At dahil weekend ngayon binuhos niya ang oras sa pag-aaral. 2 months lang kasi ang summer classes nila kaya madalian talaga ang mga exams.



Required kasi talaga ang summer classes for Accountancy although 3 subjects lang everyday. Including IT application tools in business, Financial Markets, at Operation Management and TQM.



Sobrang sakit nga sa ulo. Ang unfair nga kasi wala siyang pahinga sa kursong kinuha niya. Kahit bakasyon man lang pinagdamot pa. Akala mo naman talaga malaki ang sahod 'pag nagtrabaho dito sa pinas. Ems.



Well, pinili niya 'to kaya magdusa siya.



Nag-set siya ng 20 minutes timer para umidlip saglit. Ang sakit na kasi talaga ng ulo niya. Pero ang 10 minutes naging 2 hours. Hindi siya nagising sa alarm!



Napamura nalang siya at nagpatuloy sa pag-aaral. Habang tahimik siyang nanonood sa YouTube video ni Sir Chua ay may biglang kumatok sa pinto.



"Anak? Si mama 'to."



"Pasok ka po, ma."



Her mom went inside. "Kanina ka pa rito, anak. Bumaba ka muna para maghapunan."



"Kailangan ko pa pong mag-aral, ma." Stress niyang sagot. Her mom patted her back.



"Huwag mong masyadong pabayaan ang kalusugan mo, anak. 5-10 mins lang naman ang pagkain mo kaya halika na at iwan mo muna 'yan diyan."



She sighed and nodded. Masaya silang naghapunan. Nagkwento rin siya sa struggles niya habang nag-aaral.



"Kakayanin mo ba talaga 'yan, anak? Marami ng sumubok sa kursong 'yan sa pamilya natin pero wala ni isang nakagraduate. They ended up shifting to another course." Kwento ng papa niya.



She smiled proudly at her father. "Ako pa ba, pa? Baka ako na ang inaantay niyo maging CPA."



Nagtawanan silang tatlo at nagpatuloy sa kwentuhan. Kinabukasan ay sinubsob niya ang sarili sa pag-aaral. Naka off ang phone niya para hindi siya madistract kasi minsan sineseduce siya ng phone niya.



She's studying at her balcony to have some fresh air while reading. Para din mabawasan naman ng kaunti ang pagod niya. Balak niya din magsimba ngayon kasi Sunday na pala. They have no classes for tomorrow because their exams will start on Tuesday until Thursday.



Pagkatapos ng ilang oras nag-inat muna siya. "Konti nalang matatapos na'ko. Rest day ko nalang bukas." She chuckled.



She turned on her phone. Nakita niyang may message si Ion kaya binuksan niya ito.



Ion:
Let's go to church nix, g ka?



Kaninang umaga pa ang message nito. Agad naman siyang nagtipa at sinabing sasama siya. Pagsapit ng alas kwatro ng hapon dumating na si Ion para sunduin siya.



"Naks, ang pogi natin ah!" Bati niya ng makalabas ng bahay.



"Syempre ako pa."  Inayos pa nito ang buhok kaya natawa nalang siya bago pumasok sa kotse nito.



"Gwapong gwapo ka naman sa sarili mo?"



"Yes, you can stare at me if you want proof." He smirked when he saw her rolling her eyes.



"Yabang," she chuckled.



Pagdating nila sa simbahan ay marami-rami na ang tao na nandoon.



"Si Katarina ba 'yon?" Tumingin naman agad siya sa tinuro ni Ion. Oo nga tama ito, kasama ni Kat si Josh. "Do you want to sit next to them?" He asked.



She hesitantly nodded. Ayaw niya muna mag-isip ng masama dahil nasa simbahan siya ngayon.



You're really a hypocrite, Nicole.



Nang makalapit sila ay masaya silang binati ni Kat. "Uyy, kayo pala!"



"Hello," bati niya at ngumiti rito. She glanced at him and nodded a little. Josh didn't smile but he nodded also acknowledging their presence.



Sobrang awkward habang nagmimisa. Hindi niya alam kung bakit sa laki ng simbahan nagkita pa talaga silang apat. At kung siya lang ba ang nakakaramdam ng awkwardness.



Ion held her hand and squeezed it gently to calm her down. Napansin 'ata nito na sobrang bothered siya sa presensya ng dalawa. She mumbled an apology to him but he just smiled .



Pagkatapos ng misa ay nag-aya si Kat na pumunta sila ng Jollibee kaya pumayag nalang sila. No choice malapit na rin mag 6pm. At dahil nakasunod lang sila ni Ion sa dalawa, kitang-kita niya ang magkasalikop na kamay nito.



Yumuko nalang siya at mapait na ngumiti.



"Kumusta ka naman sa bagong university mo Kats?" Ion asked breaking the awkward silence. Tahimik namang kumakain si Nicole.



Katarina shrugged. "Just like other normal universities. Tambak nga lang ng mga school works." Napatango naman si Ion. "Eh kayo ba, sinagot mo na ba si Ion, Nix?"



Napaangat naman siya ng tingin dahil sa biglaang tanong nito. Her eyes caught Josh glancing at her for a second.



Umiling siya. "H-hindi pa naman."



"Pareho pala tayong pa hard to get?" Kat laughed so she forced a smile and agreed eventually. After their dinner agad silang nagpaaalam sa isa't-isa.



Nakatingin lang siya sa labas habang bumabyahe sila pauwi ni Ion. I should've stop this before when I had the chance. Masyado kong pinapairal ang pagmamahal ko sa kanya. Kaya kahit malaki ang kasalanan niya sa'kin, bumibigay ako ng ganoon kabilis. Ilang beses ko ng tinatak sa utak ko 'to pero hindi parin ako nagtanda.



Malungkot siyang bumaling kay Ion. He looked at her for a second before turning back his gaze at the street.



"I know what you're thinking... It's him, right?"



Hindi siya nagsalita at nakatitig lang sa kanya. Her conscience is killing her again. Maybe this is for the best. Ayaw niyang masaktan na naman si Ion dahil sa sobrang selfish niya.



She sighed before uttering the words that might regret her later on.



"Sinasagot na kita, Ion."



But turns out she became more selfish with that decision.

Friends With BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon