C14

814 12 2
                                    

Chapter 14



"Tagal mo," he smiled.



Nicole laughed. "Sorry na. Eh kasi naman first day of school sa college ngayon dapat presentable ako tignan. Tsaka medyo kinakabahan rin." She wiggled her hands.



He held her hand and chuckled. "Masyado kang tense. Kasama mo naman ako." He winked.



Umirap si Nicole. "Masyado ka ng chikadora Ion. Tara na baka malate tayo sa school."



Sabay silang pumasok sa kotse nito at humarurot palayo. Nicole bit her lower lip while watching outside the window. Kinakabahan talaga siya. Maduguan na 'tong college. Hindi na siya dapat magpachill chill lang. Hindi biro ang kinuha niyang kurso.



"We're here. Are you ready?"



She nodded. "School pa rin naman natin 'to dati. Pero iba lang ngayon. College department na tayo."



Ion mess her hair and smiled. "Kaya mo yan."



Hinampas niya ang kamay nito. "Fuck! Ang buhok ko!"



"Arte." Umirap si Ion sa kanya pero natatawa naman.



Ngumuso nalang siya. Pagkatapos ng pag-uusap nila ni Josh ng gabing iyon ay lagi na niyang kasama si Ion kahit saan. Boring kasi ang bakasyon niya. Lumipad kasi si Josh at ang pamilya nito sa Cebu. Mabuti na rin iyon para hindi sila madistract sa isa't-isa. Ngayon lang niya makikita ulit si Josh dahil pasukan na.



Dahil din doon mas lalo niyang nakilala si Ion. Palabiro at caring. Kumbaga ideal type ng lahat ng babae. Masyadong boyfriend material. Hanggang ngayon nagtataka parin siya kung bakit hindi pa ito tumitigil sa panliligaw sa kanya.



Nilinaw naman niya dito na hindi niya ito masusuklian hanggat mahal niya pa si Josh. Pero handa daw itong maghintay kahit gaano katagal. Hayaan niya daw itong iparamdam sa kanya ang pagmamahal nito. Na-touch naman siya sa sobrang persistent nito. Napakaswerte ng makakatuluyan ni Ion.



"Goodmorning. I'm Professor Cha. I'll be your subject teacher in Law of Obligations and Contracts." Marami pang mga professor ang nag-orient sa room nila hanggang sa mag-dismissal.



Oo, pinursue niya ang pagiging accounting. Kaya kung kayo ang mamimili, piliin niyo na ang accountant student. Alam nila paano ibalance ang relationship. Charing. Nicole enjoyed their first day of class. May tatlong homework nga agad eh pero it's not that hard. 



"Nixyyyy!" Sigaw ni Stef ang umalingawngaw sa buong hallway. Sinita niya ito. Bakit ba ito sumisigaw? Parang isang taon silang hindi nagkita. Natawa nalang siya.



"Huwag ka ngang sumigaw. Pinagtitinginan ka tuloy."



Business Ad ang kinuhang kurso ni Stef. Nakakalungkot nga dahil hindi sila magkaklase. Pero okay lang magkikita pa rin naman sila sa school.



"Kebs ko sa kanila. Tara na, sabay na tayong umuwi." Hinila siya nito sa papulsuhan.



"T-teka lang." Saad niya saka nilibot ang tingin sa paligid. Hindi niya kasi nakita si Josh buong araw. Saan kaya ang room nito ngayon? Napabuntong-hininga siya. Nawalan tuloy siya ng gana.



"Bakit? May hinahanap ka 'no?" Nakangisi ito sa kanya na para bang nahulaan nito kung sino ang hinahanap niya.



"Wala. Tara na nga sobrang creepy ng ngisi mo," natatawang saad niya saka siya na ang naghila nito.



Friends With BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon