C22

684 9 2
                                    

A/N: Kindly check the multimedia. The place is called quartel or baluarte in Oslob. :>

------

Chapter 22

"Ang ganda dito!" Tumakbo si Stef sa napakalaking lugar ng quartel. Tinuro nito ang stall ng french fries. "Bili tayo ng fries, ang bango nakakagutom."



"Gusto mo?" Baling sa kanya ni Ion. Tahimik siyang tumango kaya pinaupo siya nito sa may silong saka ito sumunod kay Stef at ibang mga pinsan niya. Nicole sighed. Bakit niya ba sinabi iyon kanina? Diba hindi na siya dapat nagpapadala sa emosyon niya? Nakakainis, mukhang nasaktan tuloy niya si Josh. 



Sumulyap siya sa banda nito, katabi nito si Kats sa kabilang silong. Bakit ba lagi nalang siyang ganito? Masyado na siyang hulog na hulog sa kaibigan niya kahit pinapamukha na sa kanya na wala siyang lugar sa dalawa. Kitang-kita na niya sa harap niya kung paano ngumiti at tumawa si Josh kapag kasama si Kats pero nananatili siyang bulag.



Kapag natatauhan siya dadating na naman sa point na nabubulag ulit siya sa pagmamahal niya kay Josh. Pati siya hindi na niya maintindihan ang sarili niya. Paulit-ulit nalang. Siguro dahil marami siyang mga baka sakali sa isipan niya.



Baka sakaling siya ang piliin nito, baka marealize nito na siya ang tinitibok ng puso nito. Sobrang dami niyang what ifs at lagi siyang umaasa doon. 



"You're spacing out, here." Nilahad nito ang fries sa harap niya. She smiled at Ion.



"Thanks."



"About earlier, did you really mean it?" Tanong nito na bumasag sa katahimikan nila.



She hesitated to answer it first. Ayaw niyang magsinungaling dito pero ayaw niya ding masaktan si Ion. "Y-yes"



His smile didn't reached his eyes. "Don't lie. I know you purposely said it for some reason."



Napayuko siya at hindi na magalaw ang hawak-hawak niyang fries. Hiyang-hiya na siya sa sarili niya.



"You don't have to feel sorry about it. It's really okay and I understand." He said softly. Namumuong luha siyang tumingin dito. He cupped her cheeks and wipe her tears. "But still I won't give up. I will give you all of your time to let go of your feelings even if it takes forever." 



Napahawak siya sa papulsuhan nito nang hinalikan nito ang sentido niya. How can he be so gentle and understanding despite of all the heartaches that she give? 



"Hoy ano 'yan! Aba, respeto sa mga single dito! Jusmiyo kayong apat!" Napatingin silang dalawa ni Ion kay Kian nang sumigaw ito. Nicole turned her gaze to Josh. Tuluyan ng gumuho ang mundo niya nang makitang kahalikan nito si Katarina.



Dahil sa sobrang sakit ng nakita niya kusa niyang naramdamang tumayo ang paa niya at umalis sa lugar na iyon. 



"Nixy, wait!" Sigaw ni Ion at mabilis siyang sinundan.



Napakainsensitive niya! Hindi niya iniisip kung anong mararamdaman ko! Sa harap ko pa talaga ginawa 'no?! Nakakagago sa totoo lang. Kingina niya. 



"Ang gago mo!!" Buong lakas niyang isinigaw iyon sa harap ng dagat. Pagkatapos niyang tumakbo palayo roon namalayan nalang niya na nasa paboritong part na niya siya ng dalampasigan sa lugar nila. Walang masyadong tao roon kaya hindi niya alintana ang pagsigaw.



Kumuha siya ng mga bato at tinapon iyon sa dagat, inulit niya pa iyon ng ilang beses hanggang sa mapagod siya. 



"Ang unfair mo." She whispered on her breath. Magang-maga na ang mata niya at medyo dumidilim na rin ang paligid. Pati yung boses niya pumapaos na. Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya sa sobrang pagod.  



Naalimpungatan siya nang maramdamang may humaplos sa paa niya hanggang umabot ito sa hita. Pauli-ulit iyon kaya nang magmulat siya ng mata ay agad siyang inatake ng takot.



Nakangisi ang lalakeng nasa edad 40's habang nakatingin sa hita niya. Lumingon ito sa kanya nang mapansin nito na gising na siya kaya tinakpan nito ang bibig niya.



"Kung sinuswerte ka nga naman. Inis na inis ako kanina kasi kaunti lang ang nakuha kong isda pero nang makita kita nawala na agad." Mahina itong humalakhak at hinaplos ang leeg niya. 



She tried to scream but his hands are too strong. Tatayo na sana siya nang bigla siyang patungan nito. "Isa lang naman, miss. Alam ko namang magugustuhan mo rin."



Punong-puno ng luha ang mata niya at walang maisigaw kundi ang pangalan ni Josh. 



Please help me. Ayokong mangyari ulit ang nangyari sa'kin dati! Please, maawa kayo! Sawang-sawa na'ko sa lahat ng mga sakit na binabagsak sa'kin ayokong maulit na naman!



Josh...



Aakmang hahalikan nito ang leeg niya nang bigla nalang siyang nakarinig ng suntok. Hindi na niya napansin ang mga ingay hanggang sa naramdaman niyang may bumuhat sa kanya at nilayo siya doon. Hinang-hina siya, lahat ng naranasan niya dati bumalik sa memorya niya isa-isa. Kung paano siya ginahasa at binaboy ng mga akyat-bahay.



"I'm sorry, Nixy. I'm so sorry kung ngayon lang ako." Humikbi ito at hinigpitan ang hawak sa kanya.



"T-thank you." She whispered weakly before she lost her consciousness. 



Salamat at niligtas mo ang buhay ko, Ion. 

------

A/N:  Short-update lang po muna kasi di keri yung school works huhu :((

Friends With BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon