Chapter 5
"Kailan ba matatapos ang pag-iwas mo kay Josh?" Tanong ni Stefania sa kanya.
Nandito siya sa bahay ng kaibigan. Pagkatapos kasi ng klase ay iniwasan niyang magkasalubong sila ni Josh. Kaya sumama nalang siya kay Stef sa bahay nito. Plano niyang umuwi kapag alas sais na.
"Hindi ko alam," sagot niya. Umilaw ang phone ni Nicole at nakita ang pangalan ni Josh sa screen.
"Your bestfriend is calling you, dear." Paalala ni Stef sa kanya. Busy ito sa pag-mamanicure ng kuko nito sa paa. Hindi siya sumagot at hinintay na mamatay yung tawag. 6 missed calls ang natanggap niya mula dito. Umirap nalang siya at binalik ang paningin sa tv.
"Ano bang kinagagalit mo sa kanya?" Usisa ni Stefania.
"Hindi natuloy ang lakad namin. Mas inuna pa niya si Kats," sagot niya.
"Oh? Yun lang? Marami pa namang araw sizt. Kung makaiwas ka diyan parang hindi ka sinipot ng jowa mo." Pang-aasar nito. Inirapan ni Nicole si Stef.
"Hindi naman kasi sa ganoon."
"Eh ano?"
"A-ano lang. Syempre bestfriend kami tapos nag-aya siya sa'kin na gumala which is hindi niya ako sinipot! Mas pinili pa niyang samahan si Kats eh ako naman 'yung unang inaya niya! Palagi nalang silang magkasama! Eh dapat kami yung magkasama! Inaagaw niya sa'kin si Josh eh!" Halos maiyak na siya sa sinabi niya. Hindi makapaniwalang tumingin sa kanya si Stef.
"Wow ha. Girlfriend ka?"
"Stef naman eh!" Asar na sabi niya. Tumawa ito bago bumuntong-hininga.
"Okay let me make it clear to you. Bestfriends kayo. BEST FRIENDS. Not BOYFRIEND and GIRLFRIEND. Pero pwede ding tawagin mo siyang boyfriend kaso lang may space sa gitna ng boy tsaka friend. Magkaiba 'yun. Syempre hindi naman siguro magandang tignan na palagi kayong magkasama kaysa sa magiging future girlfriend niya diba?"
"Kami naman kasi 'yung palaging magkasama eh. Minsan din kapag nakikita ko silang magkasama or makikita ko yung tingin ni Josh sa kanya nasasaktan ako," pag-amin niya. Napahawak si Stef sa dibdib nito.
"Ow em ji. Don't tell me nagseselos ka?"
"Bawal ba magselos sa kaibigan?" Nakataas na kilay na tanong ni Nicole.
"Hindi naman. Pero anong nararamdaman mo sa tuwing magkasama sila?"
"Nasasaktan nga ako! Iniisip ko na unti-unti ng inaagaw ni Kats yung kaibigan ko! A-at ayokong may ibang babae si Josh." Umiwas siya ng tingin kay Stef.
"Omg. Instead na sabihin mong ayokong may ibang kaibigan si Josh sinabi mong ayokong may ibang babae si Josh. Basically, you like him but not as a friend. Imagine nga, kunyare si Kats is lalake. Tapos palagi silang magkasama ni Josh. Diba hindi ka magseselos? Kasi nga hindi yun babae. You. Like. Josh." Stefania smirked.
"Edi wow." Hinampas siya ni Stef sa braso dahil sa sagot niya kaya hinampas din niya ito. Hindi siya papatalo noh!
"Hindi ko siya gusto," saad niya bigla at bumuntong-hininga.
"Mahal mo lang?" Pang-aalaska nito sa kanya.
"Bwesit ka!" Hinampas niya ulit ito.
BINABASA MO ANG
Friends With Benefits
Fiksi RemajaNicole Del Rosaryo and Josh Asuncion are bestfriends since they were kids. Kumbaga magkadikit na ang atay nilang dalawa. Halos hindi na sila mapaghiwalay. They treat each other as siblings. Never did they imagine that they will fall for each others...