C18

637 8 0
                                    

Chapter 18



Nanghina ang tuhod niya kaya bigla siyang napahawak sa dingding ng elevator para maiwasang matumba. Baka ibang Josh ang tinutukoy ng babae? Napailing siya at mapaklang natawa. Sino bang niloloko niya? Alam niyang boses ni Katarina iyon.



A tear escaped from her eyes. Wala siyang karapatang masaktan ngayon kasi una sa lahat wala naman talaga silang relasyon ni Josh. It's just a pure sex between the two of them. But why does it hurt so much? It feels like her heart was tore into pieces and it will never be bring back to its form again.



Inayos niya ang sarili niya nang bumukas ang elevator sa parking lot. Iniwasan niyang madaanan ang kotse nila Josh baka makita siya ni Mang Emilio at pasakayin. Ayaw niya munang makasabay ang mga 'to dahil sa nakita niya kanina.



Hanggang ngayon ay hindi niya alam ang gagawin. Kung ipagpatuloy niya pa ba ang pagkakaibigan nila o itigil na para maiwasan na ang namumuong init sa kanilang dalawa sa tuwing napapalapit sila?



Halos wala ng tao sa kalsada pagkalabas niya ng building. Mga kaunting sasakyan nalang ang nagbibigay ingay sa labas at liwanag naman galing sa mga poste.



She felt her phone vibrated. Kinuha niya ang phone galing sa purse niya at agad binuksan ang mensahe.



Josh:

Where are you? I'm fucking worried now, Nicole.



She sneered and turned her phone off before putting it back inside her purse. She has no strength for petty arguments now. Masyado na siyang basag. No, scratched that, matagal na siyang wasak simula noong may gumahasa sa kanya.



Remembering the past makes her harder to breath. Mas lalo siyang napahagulhol. Napakasama naman ng tadhana sa kanya. Lahat ng malas sa kanya bumabagsak. Bakit kasi sa kaibigan niya pa tumibok ang puso niya? Bakit hindi nalang sa iba? Bakit hindi nalang kay Ion? Hindi sana siya ganito ngayon, nasasaktan.



She wiped her tears and tried to calm herself. Nang may dumaang taxi ay agad niya itong pinara saka sumakay.



***



The results on their exams are out. Nakahinga siya ng maluwag nang pasado naman lahat ng scores niya. Okay, worth it lahat ng pagpupuyat niya. Sobrang ganda ng mood niya buong araw. Sana lang talaga masali siya sa deans lister.



"Ikaw na susunod magdedebut, sis. Anong plano mo?" Tanong ni Stef. Kumakain sila ngayon ng kwek-kwek sa labas ng school nila. Uwian na kasi.



Nagkibit-balikat siya. "Ayokong mapagastos sila mama sa debut ko. Kahit 18k cash lang." Pagbibiro niya.



Napanganga naman si Stef. "Wow ha, ayaw daw magpagastos pero ang laki naman ng hinihinging cash."



Humalakhak naman siya. Syempre biro lang 'yon. Ayaw niya lang talagang mapagastos ang magulang niya. It's just a normal birthday ang kaibahan lang legal na siya.



"What a wonderful day to see you, baby!"



Napalingon silang dalawa ni Stef at nakita nila si Ion kasama si Kenzie. Wala ang dalawang kaibigan nito.



Friends With BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon