Minsan na kitang minahal
Halos taon din ang itinagal
Ang buong akala ko nga ay darating ang araw na aking hinihintay
Ang araw na handa na akong isiwalat lahat ng bagayNgunit umasa na naman ako, sa loob ng ilang buwang lockdown
Hindi pa rin kita nagawang matanaw
Padaan-daan ka lang
Habang ako'y nag-aabangHindi na bale, ngayon naman ay tanggap ko na ang lahat
Na hanggang sa wattpad ko nalang ito maisusulat
Na hanggang sa makapagtapos ako ng kolehiyo
Hindi ko pa rin ito maisasawika sa harapan moHanggang sa mga parinig na lamang ang mga ito
Hanggang sa status na lamang ito sa facebook
Hanggang sa mga rants ko nalang ito sa twitter
At hanggang "Add story" na lamang sa messengerSana ay maging masaya ka
Sana ay mahanap mo na siya
Hanggang dito na lamang ang tulang ito
Nagmamahal sa iyo.
BINABASA MO ANG
Unspoken Poetry (COMPLETED)
PoetryTagalog Poetry Collection Unsaid feelings for someone who is very dear to me. You may not be the right man who is meant to be with me but always remember that you will always be the man that made me who I am today. The man whom I can never own. I lo...