Papalapit na ang iyong mga tingin
Ngunit ako'y umiiwas na rin
Pinilit kong maglakad papalayo
Kahit luha ko'y unti-unting tumutuloWala na ang mga kamay kong nakalahad
At hindi na ikaw ang gusto kong makasamang maglakad
Maglakad habang papalubog ang araw
Ang araw na minsan nang naging ikawNasa gitna pa lamang tayo ng ating paglalakbay
Nang maramdaman kong hindi ko na hawak ang 'yong mga kamay
Pilit kang bumibitaw sa pagkakahawak
Dahil matagal mo na itong binalakHindi ako nagdalawang-isip na patuloy kang mahalin
Hindi ako tuluyang sumuko sa pangako natin
Pangakong akala ko sabay nating tutuparin
Ngunit ang pangakong 'yon ay binawi mo rinApat. Tatlo. Dalawa. Isa.
Ako ngayon ay nag-iisa
Dahil walang ikaw na hawak ang aking mga kamay
Walang ikaw na kasabay kong naglalakbay

BINABASA MO ANG
Unspoken Poetry (COMPLETED)
PoesiaTagalog Poetry Collection Unsaid feelings for someone who is very dear to me. You may not be the right man who is meant to be with me but always remember that you will always be the man that made me who I am today. The man whom I can never own. I lo...