Tula #37

25 0 0
                                    

Habang sinusulat ko ang bahaging 'to
Napapa-isip ako, kaya  ko bang tapusin 'to?
Nagawa ko na kasi lahat-lahat
Maliban sa sa'yo ay magtapat

Ika-tatlongpu't pito tula
Ikaw pa rin ang sinisinta
Hindi ko maamin sa harap ng madla
Natatakot na baka magalit ka

Oo, andami ko nang naisulat tungkol sa'yo
Pero ni isa ba nabasa mo?
Ni isa ba nalaman mong ikaw ang tinutukoy ko?
O baka naman natatakot ka lang na masaktan ako?

Ang totoo hindi naman ako dapat mag-inarte
Kasi sa buhay mo malabo akong magkaroon ng parte
Malabo na para ipagpatuloy ko pa
Ang pagsusulat kung 'di ka rin naman babasa

Pero sana hayaan mo na lang ako
Masaya naman ako kahit walang tayo
Hindi na baling hindi mo 'to mabasa
Para hindi mo malamang ako ay umasa

Unspoken Poetry (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon