Tula #28

115 2 0
                                    

Ang tagal bago kita muling nasilayan
Tipong nagbibilang ako sa bawat patak ng ulan
Hahakbang paharap ngunit bigla rin namang aatras
Parang bilanggong pilit tumatakas sa rehas

Kanina pa kita gustong puntahan
Ngunit mga hakbang ko'y napipigilan
Malamlam na ang kalangitan
Pero 'di mo ako magawang ngitian

Palalim na ang dilim ng gabi
Ngunit nararamdaman mo'y 'di mo masabi
Nagawa kong puntahan ang ating tagpuan
Subalit tila isa na lamang iyong nakaraan

Nakaraan nga ba ang tawag?
Kahit ako ay sobra ng naduduwag
Naduduwag na tanggapin ang katotohanan
Na 'di tayo ang tinakda ng kapalaran

Nangangalap ng pagmamahal mula sayo
Pilit bumubuo ng salitang "tayo"
Tayo na matagal ko ng gusto
Tayo na hangad ko hanggang dulo

Unspoken Poetry (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon