Tula #16

216 4 0
                                    

Ilang piyesa pa ba ang susulatin
Para damdamin ko'y madama mo rin
Ilang piyesa pa ba ang sasaulohin
Para sakin ka naman tumingin

Ilang piyesa pa ba ang gagawin
Para tuluyan mo na akong mahalin
Ilang piyesa pa ba ang nanaisin
Para ako naman ang iyong piliin

Ilang piyesa pa ba ang sasabihin
Para nararamdaman ko'y iyong dinggin
Ilang piyesa pa ba ang iisipin
Para manatili ka sa akin

Ilang piyesa pa ba ang babasahin
Para marinig mo ang sinisigiaw ng damdamin
Ilang piyesa pa ba ang tutugmain
Para puso mo'y maging akin

Ilang piyesa pa ba ang aaralin
Para matutunan mo akong mahalin
Ilang piyesa pa ba ang uulitin
Para ako naman ang iyong ibigin

Unspoken Poetry (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon