Tula #3

1.3K 16 5
                                    

Sa tuwing ako'y nag-iisa
Ikaw lagi ang naalala
At kapag naaalala kita
Di ko maiwasang mas mahalin ka pa

Sa bawat araw na nakikita kita
Nakakaramdam ako ng kakaibang saya
Sa simpleng pagtawag mo sakin
Kinikilig ako kahit 'di ko sabihin

Sa simpleng pagngiti mo
Naaalis ang lungkot ko
Sa matamis mong tawa
Ngiti ko'y 'di na mabura

Ewan ko ba kung bakit ganito
Ikaw ang bukod-tanging ginusto
Puso'y nagsusumamo
Sa pag-ibig mo

Alam kung bawal ito
Kaya nga ako nalilito
Kung dapat ba na ipagpatuloy
O pigilang matuloy

Unspoken Poetry (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon