Mahal kita, salitang gusto kong sabihin sa harap nila
Ngunit isip ko'y pumipigil na sabihin sa kanila
Ikaw at ako ang nais kong mabuo
Kahit alam kong walang tayoPara kang bituin
Na ang hirap sungkitin
Madalas kitang tinititigan
Kahit pa nga sa malapitanPagmamahal ko sayo'y 'di ko mapigilan
Lalo na ang kilig na nararamdaman
Tuwing tinatawag mo ako
Napapalingon na lamang sayoNatatakot ako na baka malaman mo
Ngunit gusto kong maramdaman mo
Na matagal na kitang gusto
At hulog na hulog na ako sayoAlam kong wala akong puwang sa puso mo
Dahil sino ba naman ako?
Isang hamak na taong nagkagusto sayo
At pilit itong tinatago
BINABASA MO ANG
Unspoken Poetry (COMPLETED)
PuisiTagalog Poetry Collection Unsaid feelings for someone who is very dear to me. You may not be the right man who is meant to be with me but always remember that you will always be the man that made me who I am today. The man whom I can never own. I lo...