Prologue

226 9 0
                                    

Prologue "LOVING THE PAIN"

"You know that everything that we have isn't serious, Angeline." may diing Sabi ni Glen

"Anong hindi seryoso, Glen? So ano? Laro yun lahat? Ginawa mo akong laruan? Gago ka ba?" Sunod-sunod ko'ng tanong

"If that's what you wanna think then let it be." Aniya

"Glen," nawawalang lakas na sabi ko.

"Angeline ano bang mahirap tanggapin sa salitang 'ayoko na, tapos na ako sayo'?" pasigaw niyang ani.

"Hindi ko matanggap, di ko maintindihan at ayaw kong intindihin!" sigaw ko na rin

"Oo na!" sigaw niya, "May usapan kami nila Leandro, na pag napa-oo kita at napasa-akin sa loob ng dalawang buwan papayagan niya akong manligaw kay Lianna."

Natigil ako ng marinig ang pangalan ng kaibigan kong si Lianna.

"Baki ganun?" tanong ko ng makabawi, "Bakit hindi ka nalang nanghingi ng tulong sa akin?"

"Dahil alam ko na may gusto ka sa akin at alam ko na sobrang gago ko naman pag ginawa kitang daan para lang mapa ibig si Lianna." Paliwanag niya

Natawa ako sa nagging dahilan niya at mas lalong napahagulgol.

"At sa tingin mo hindi mo ako nasaktan, nagago at nagamit ngayon? Glen sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon! Sobrang sakit kasi mas kaya ko naman magparaya at mas piliing tulungan ka para makuha si Lianna ehh, pero mas pinili mong gagohin ako at gamitin! Alam mo bang mas masakit yun?" buong lakas ko'ng sigaw dahil sa prustrasyong nararamdaman.

"Kaya nga bumitaw ka na ehh, kaya nga nakikipaghiwalay ako sayo diba?"

"Damn it, Glen! Napakagago mong tang'na ka!" sigaw ko at malakas siyang sinamapal.

Napaluhod ako at mas napahagulgol. Nasa Condo kami ni Glen ngayon dahil may ginanap na kasiyahan dito pero andito kami sa kwarto niya dahil gusto na niyang makipaghiwalay.

"Bakit ngayon?" nahihirapan man ay naitanong ko parin, "Alam mong kailangan na kailangan kita ngayon, Glen, alam mo kung gaano ako na nahihirapan ngayon."

"Tapos na ang dalawang buwan ng usapan naming ni Leandro."

"Napakasama niyo, anong nagawa ko para ganitohin niyo ako? Ang bait-bait ko sa inyo ehh binago ko yung sarili ko para sainyo," pahinang-pahina ko sabi at pigil ang paghagulgol.

"Bumitaw ka nalang kasi para di ka na masaktan."

Sa sinabi niyang yun ay parang pinong-pino na dahil sa dahang-dahang pagkabasag ang puso ko.

"You're so selfish." Mahina kong sabi saka tumayo at lumabas ng kwarto.

Mugto ang mata ko ng lumabas sa kwarto at saktong tumambad sa akin ang mukha ng mga kaibigan ni Glen na nakangisi kaya naman lumapit ako sa kanila.

"Sana masaya kayo na may nasasaktan kayong tao." May diin kong sabi, "Time goes fast baka mamalayan niyo nalang na pati kayo pinaglalaruan lang din ng mga babe niyo." Sa sinabi kong yun ay kita ko naman ang sabay-sabay nilang paglunok, "Karma is a bitch, always remember that." Huling sabi ko saka tumalikod.

Dali-dali akong pumasok sa sasakyan ko at pinaharurut yun ng malakas pauwi sa kabilang building kung saan ang condo ko.

Nang makarating sa Condo ay dali-dali kong hinubad ang mga damit ko saka diretso sa shower. Umiyak lang ako ng umiyak.

"Arggghhhh!" buong lakas ko na sigaw at nanggigigil ko hinila ang buhok ko.

"Bakit ngayon? Mama!" iyak ko at nitawag si Mama.

"Ma bakit sabay-sabay kayong nawawala?" tanong ko ulit.

"Ma!" sigaw ko, "Ayoko na! Sobrang sakit na!" sigaw ko

Kalilibing lang naming kay Mama 2weeks ago at sobrang nagluluksa pa ako at mas nadagdagan yung sakit ngayon dahil sa paghihiwalay naming ni Glen.

Nang matapos rin ako maligo at magbihis ay ibinagsak ko na ang sarili ko sa kama.

Yakap-yakap ang litrato naming ni mama ay tahimik ako umiiyak.

"Ma ina-away ako ng mundo," pagsusumbong ko. "Wala akong kakampi, wala na rin akong kayakap at kausap, syempre wala ka na ehh."

"Balik ka na Ma, di ko kaya ng wala ka sa tabi ko," umiyak ako ulit. "Malakas lang ako sa paningin nila pero sobrang wasak ako sa loob Ma, wala akong kakampi."

Umiyak lang ako buong gabi hanggang sa nakalimutan ko ng kumain at natulog nalang.

Dalawang Linggo ang nakalipas pero wala paring bago, minsan nalang ako nakakaligo at ang pagkain ko ay puro chichirya lang at ang inomin ko naman ay beer minsan ay nagwawine din.

Gabi na at nararamdaman ko na ang pagkahilo mo ng maramdaman ko na may pumasok sa unit ko.

"Sinong tao diyan?" pagiwang-giwang ako na naglalakad

"Oh my ghad Kierra!" sigaw ng lalaki

"Woii?! Sino ka ha? At bakit mo alam yang pangalan ko?"

"Ba't ka naglalasing?"

"Ako? Bat lasing?" tanong ko at saka ina-alala lahat habang sunod-sunod na naman ang luha ko'ng nagsisibagsak. "Iniwan nila ako ehh, ayaw na nila sa aken, wala akong kayakap at kakampi." Parang bata kong sabi.

"Haiist, pwede ka naman tumawag sa akin ehh may kakampi ka pa gaga!" anito

"Sino ka ba? At saka alam kong gaga ako kaya wag mo ng pa-alala."

"Hello lasinggera kong friend si Ron po ito ang kaibigan mo."

"Ron?" tanong ko saka mas tinitigan ang binatang nasa harapan ko.

"Andito ako kasi di'ba bukas na ang flight natin papunta sa L.A?" anito. "Kaya naman magpapa-alam lang ako sayo na kakaladkarin na kita patungo sa Condo ko dahil baka ikaw pa ang dahilan ng di ko pagkakita sa aking pinsan," anito saka ko naramdaman ang sarili ko na para bang nasa ere na ako at may nagbubuhat sa akin.

Loving The PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon