Chapter 4

140 6 0
                                    

CHAPTER 4 "LOVING THE PAIN"


"Glen!" napabangon si Angeline at lahat naman kami ay gulat na napatingin sa kaniya.


Umiiyak ito ngayon at niyakap nalang bigla si Ron.


"Heto na naman siya," nasapo na ni Yen gang noo niya saka malalim ang buntong hininga.


"Kierra!" Ma-awtoridad na sambit ni Kuya.


"Nakita ko siya kanina," wala sa sariling natulala ito habang tumutulo ang kaniyang mga luha at nagsasalita.


"Yeng!" tawag ni Kuya kay Yeng.


"Di ko alam ang sabi niya lang eh hinabol niya yung maliit na aso kaya siya nahulugan nung pot," paliwanag ni Yeng.


"Nakita ko siya kasama sila Leandro," anito


"Stop!" si Kuya ulit.


'Etong kuya ko din ehh mukhang ama kung maka asta, dinaig pa ehh'


"Erik pwede bang ditto muna siya sa kwarto mo?" tanong ni Yeng


"Ehh saan niyo naman ako papatulugin? At saka bakit sa kwarto ko?" tanong ko naman.


"Pwede naman tayong magtab," saabi ni Kuya.


"Ayaw ko nga likot-likot mo eh," reklamo ko.


"Sa kwarto ko nalang, doon ka tapos tabi kami ni Angge dito," Si Yeng


Napabuntong hininga nalang ako sa kawalan ng masabi.


"Oo na sige na," sabi ko.


Nag-ayos na kami at nagpahinga muna tanghali pa naman at saka umu-ulan pa sarap itulog ngayon. Pumunta ako sa kwarto ni Yeng dito sa bahay.


Maghapon na ako nakatulog kaya paggising ko ay gabi na at naghahanda narin sila Mama sa pagkain. Nakita ko naman sa gilid si Angeline na naka wheelchair na ngayon.


'Haiistt! Magkaibigan nga sila ni Yeng.'


"Anon a Erik porket walang trabaho ehh tulog-tulog lang?" sarkastikong sabi ni Yeng


Sininghala ko lang siya at lumapit kay Angeline. Di ko din alam kung bakit pero ramdam ko lang siyang lapitan, tulala parin kasi ehh.


"Ayos ka na ba?" mukhang nagulat naman ito at napalingon sa akin at umiling lang.


Yumuko ako sa kanya at tinignan siya ng malapit, tinignan ko siya sa mata at kita ko r'on ang sari-saring emosyon. Nangmapansing naiilang na ito sa akin ay saka naman ako nag indian sit sa sahig at tinignan yung paa niya.

Loving The PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon