Chapter 16

113 6 0
                                    

CHAPTER 16 "LOVING THE PAIN"

(Warning: Scenes that were written in the story are the Author's pure imagination, nothing is related to personal life. Just  fanfiction.)

"Okay ka lang ba?" Tanong ni Yeng.

Mag-iisang buwan narin ng makabalik kami dito ni Yeng sa L.A at sa mga araw ay ibinabaon ko ang sarili ko sa trabaho at pictorials para maiwasan ang isipin ang mga nangyari sa Pilipinas. At sa mga araw din na iyon ay parati na akong ganito, nagduduwal, at palaging gutom at pagod.

"Oo naman, pagod lang to." Panghihikayat ko sa kanya.

"Sigurado ka ba? Kasi palagi ka nalang ganyan ehh baka ano nang nangyayari sayo o kaya baka bu—"

"Hindi Yenggay, pagod nga lang ako ehh," Pinigilan ko ang sasabihin niya at hindi na naiwasang magtaas pa ng boses.

"Paano nga kung buntis ka, Ge?" aniya.

"Hindi nga sabi ehh," di ko na mapigilan pa ang sariling sumigaw dahil sa frustration na nararamdaman ko. "At kung buntis nga ako may paraan naman para maw---"

Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ng biglang dumampi ang palad ni Yeng sa pisngi ko.

"How could you?" sigaw nito. "Paano kung pamangkin ko yan?" tanong nito.

Napahikbi ako. "Hindi ko alam! Hindi ko alam ang gagawin ko!" sigaw ko.

"Kahit ano susuportahan kita pero sa iniisip mo ngayon hindi! Paano mo naatim na mag-isip ng ganyan, Angeline?"

"Hindi ako handa, wala sa plano ko iyan, hindi ko pa alam ang gagawin ko!!"

"Kasama mo naman ako ehh wag ka namang ganun Angeline."

Parang natauhan ako ng marinig ang boses ni Yeng na nagmamakaawa para huwag mag-isip ng ganun.

"Magpapa check-up ka mamaya para malaman talaga natin ang kalagayan mo."

Iginiya niya ako papasok sa kwarto namin saka pinahiga. Iniwan niya agad ako ng makahiga na ako. Umiiyak lang ako'ng nakatingin sa pinto.

'Hindi pa ako handa.'

'Paano kung ito yung bunga ng pambaboy sa akin?'

'Hindi ko ata kayang tanggapin ang bata.'

Yun ang mga naiisip ko habang umiiyak, di rin nagtagal ay nakatulog na ako. Ginising naman ako ni Yeng at pinaligo na para makapunta na kami sa hospital. 'Hindi parin ako handa.'

"Bilisan mo na." si Yeng.

Tinignan ko siya.

"Yeng." My voice broke.

"Kailangan mo lang siyang e anak, Ge, makakasama mo siya sa bahay at kung hindi mo nga siya matanggap pwede namang ako ang kilalanin niyang Ina, kaya kong akuin, Ge, wag mo lang ipalaglag kung sakali." Aniya.

Ginamit ko ang mga palad ko para itakip sa mukha ko habang umiiyak. Umalis na si Yeng habang ako ay umiiyak parin habang ina-ayos ko ang sarili ko.

Ngayon ay tinutungo na naming ang daan papuntang hospital.Ilang minute rin bago kami nakarating dahil medyo traffic ang daan. Nang makarating ay agad naman kaming sinalubong ng kaibigan ni Yeng na OB rito sa hospital.

"So ano nga ang naging result?" Si Yeng na ang nagtanong, hawak niya ako sa kamay ngayon.

"Ohh M Girl you are already 3weeks pregnant!" masiglang bati nito sa akin.

3 weeks?

Nagtitili na si Yeng at niyakap ako agad bago nagpasalamat sa kaibigan niya.

"You're so happy like you're the one who's pregnant here." Nang-aasar na anang Kaibigan ni Yeng.

Loving The PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon