Chapter 15

132 5 0
                                    

CHAPTER 15 "LOVING THE PAIN"

(Warning: Scenes that were written in the story is the Author's pure imagination, nothing is related to personal life. Just a fanfiction.)

"Erik aalis na kami." Si Yeng.

Kahapon pa ang huli naming pag-uusap. Palagi niya akong pinipilit na makipag-usap sa kaniya pero ini-iwasan ko siya. Nag-angat ako ng tingin at sa hindi inaasahan ay nagtagpo an gaming mga mata. May pagsusumamo doon, para akong natunaw sa tingin niya kaya malaim akong napabuntong hininga.

"Yeng pwede ba mag-usap muna kami?" tanong ko.

Nakita ko ang pagkagulat ni Erik dahil sa sinabi ko. Tumango si Yeng saka pumasok muna sa bahay. Andito kami sa garden ngayon. Nang hindi na naming matanaw si Yeng ay agad naman akong napasinghap ng bigla niya akong niyakap ng mahigpit. Pinabayaan ko lang siya hanggang napansin ko ang pagtaas-baba ng balikat niya senyales na umiiyak siya, at hindi naman talaga ako nagkamali dahil ilang Segundo pa ay narinig ko ang paghikbi niya.

"Erik," tawag ko sa kaniya pero hindi parin siya bumitaw. "Erik ano ba bumitaw ka na," nag-aalala na ako dahil kahapo pa siya ganito.

"Sorry." Sambit niya saka bumitaw.

Pumunta kami doon sa tambayan ng garden kung saan nangyari ang unang halik sa pagitan naming.

"Bakit k aba nagkakaganyan?" walang ganang tanong ko, kinukumbinsi ang sarili na wala ng pake.

"Maniwala ka naman sa akin, ohh." Aniya, nagsusumamo. "Hindi kami nagkabalikan ni Khalli, please, walang kami, hindi na magiging kami."

Tinignan ko siya. Mata sa mata.

"Buntis siya.." hindi niya maituloy ang sinasabi. "Hindi ko pa siguro kung ako ang anak pero, Queenie pinapangako ko sayo pag nalaman ko na hindi akin ang bata susunod naman agad ako sayo ehh."

Hinawakan niya ang kamay ko pero agad ko din binawi yun. Nag-uunahan na ang mga luha ko'ng magsilaglagan kaya pinunasan ko iyon gamit ang mga palad ko.

"Napaka sinungaling mo," tangin naisambit ko.

I'am speechless hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko. Pinatulan ko ang magiging ama na pala, napaka walang hiya ko na babae.

"Believe me, please." Niyakap niya ako ng mahigpit.

"How could I believe you? Inangkin mo ako tapos magiging ama ka nap ala? Ginawa mo akong walang kwentang babae." Nagpumiglas ako sa pagkakayakap niya.

"No, please, wag mong sabihin yan." Aniya saka mas hinigpitan ang yakap sa akin.

"Sinaktan mo ako, nasaktan na naman ako, bakit ba palagi nalang ako?" tanong ko saka nanghihinang nagpaubaya sa mga yakap niya.

"Hihintayin ko lang na makapanganak si Kha saka kami magpapa DNA ng bata.."

Bago paman niya matapos ang litany ay sinampal ko na siya.

"Ano di mo kayang magpaka-ama? Hindi mo aangkinin ang bata, pinagdududahan mo siya?" nang gigigil ko na tanong.

"No that's not what I meant, gusto ko lang masiguro kung akin ba talaga ang bata, dalawang buwan kami magkahiwalay ni Kha, intindihin mo naman yun."

"I hate you. I hate you so much!" Sabi ko saka umupo ulit sa upuan.

"Please don't, Angeline, please." Nagmamakaawa ang boses nito.

"Maybe this set-up could help, tawagan mo ako pag pupunta ka ng L.A para maka-alis agad ako sa bahay niyo roon." Sabi ko saka umalis.

Pero bago pa ako makalayo ay yakap-yakap niya na naman ako. Mabilis ang pag-agos ng luha ko.

"Akala ko ikaw na ehh, akala ko ikaw na yung makakapagpawala nung mga sakit na nararamdaman ko, Naniwala ako sa akala ko kasi.. Kasi kahit isang buwan palang tayo nagkakasama ramdam ko yung pagiging totoo mo, at pagmamahal." Hirap na hirap pa akong sabihin ang huling salitang nasabi ko.

"Bigyan mo lang ako ng oras, please, Angeline."

"Pero dadagdagan mo lang pala." Sambit ko. "Alam ko na wala akong karapatan na masaktan kasi wala namang tayo pero, Erik, napakagago mo ehh, bakit naman ganun?"

Hinarap niya ako saka sinapo ang magkabilang pisngi ko. "Hintayin mo lang ako, please."

Umiling ako. "Hindi ko alam, naglihim ka ehh, pina-asa mo ako eh alam mo naman na tatanga-tanga ako kaya natural na aasa ako!"

"Handa akong panindigan ka."

"Pero magkakapamilya ka na, magiging-ama ka na at hindi ako ang magiging-ina."

Naging mahina ulit ako sa harap ng isang lalaki, umiiyak na naman ako dahil sa lalake. Palagi nalang bang ganito? Kailan ba ako magiging masaya? Nakita ko si Yeng sa malapit sa amin nakatingin. Nakita ko sa mga mata niya ang pag-unawa kaya mas lalo akong naiyak. Pinapaalala niya sa akin palagi na maging malakas at wag maging mahina.

Tinignan ko si Erik sa mata. "Aalis na kami, Erik, mag-ingat ka palagi ha? Alalahanin mo lang na mahal kita kahit alam ko na bawal." Humagulgol ulit ako. "Salamat sa lahat. Paalam." Niyakap ko muna siya at hinalikan sa pisngi bago ako lumakad papalayo sa kaniya.

_______________

Para sainyo. Happy reading kahit maikli lang hehe. 

Loving The PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon