Chapter 37

129 3 1
                                    

CHAPTER 37 "LOVING THE PAIN"

(Warning: Scenes that were written in the story are the Author's pure imagination, nothing is related to personal life. Just fanfiction.)

"Matulog ka na anak medyo late na." Andito ako ngayon sa kwarto ni Amil para hintayin na makatulog siya.

"Mama, sabi ni Papa gusto niya raw po kami isama ni Angelo sa Philippines." Pagbibigay alam nito sa akin.

"Ayaw mo ba, Baby?" Tanong ko naman dahil nahihimigan ko sa kaniyang boses ang pag-aalinlangan.

"Okay lang po pero pag po hindi kayo kasama ayaw kop o," anito.

Napabuntong hininga ako. "Don't worry I'll talk to you Papa later, hmmm?" Tinignan ko siya at mukhang antok na antok na. "Tulog ka na."

Hindi naman ako nagtagal sa paghihintay ng pagtulog ni Amil dahil mukhang ina-antok na talaga siya at pinpilit nalang magising para makausap ako. Nang makalabas ako ay agad ko namang naabutan si Yeng at syempre buhat-buhat ang aking anak na si Angelo habang paakyat ng kwarto.

"Tara na matulog na tayo," tawag sa akin ni Yeng.

Umakyat ako sa pang-apat na hakbang ng hagdan kung nasaan sila saka ko hinalikan si Angelo sa kaniyang labi at sa pisngi naman kay Yeng.

"Mauna na kayo sa taas, kakausapin ko lang si Erik saglit," paalam ko.

"Ganun ba?" Tanong naman nito at tumango lang naman ako bilang tugon. "O siya sige mauuna na ako at tulog na tulog na itong si Bata," anito bago nagsimula muling umakyat ng hagdan. Pababa na sana ako ng hagdan ng bigla niya na naman akong tinawag. "Psst!" Nagtatanong na nilingon ko naman siya. "May condon ako sa kwarto baka sakaling.. you know for safety purposes hehe," humagikhik pa ito.

"Gaga!" Pabulong na hiyaw ko. "Loka ka! Sawa na ako bumukaka sa harap ng Doctor, jusko pahinga muna ako diyan, Mamsh. Usap lang naman gaga!"

Natatawa naman itong muling humakbang paakyat sa aming silid. Sa tuwing may ka date kasi ako noon ay nilalagyan niya na ng condom ang bag ko at minsan pa nga nilalagay niya sa phone ko sa loob ng nito para daw safety kasi sa tuwing iniiwan ko daw ang lalake na mahal o nagugustuhan ko eh may pabilin dawn a pakwan sa aking tiyan na nagiging pasaway na bata pag nag-isang taon na.

Nakita ko si Erik nakaupo lang siya kung saan kami huling nag-usap kanina. I rejected him kanina kasi hindi pa ako muli handa na harapin siya at pag-usapan ang mga bagay na nag kokonekta sa aming dalawa.

"You want anything?" Tanong ko ng makarating ako sa likuran niya.

Lumingon siya sa akin. "Nah, I'm good."

Umupo ako sa kaharap niyang upuan at naghihintay na mauna siyang maunang magsalita. Aminado akong kinakabahan ako pero kailangan ko siyang harapin ehh.

"Kamusta ka na?" Pag putol niya sa katahimikan sa pagitan naming.

Napalunok naman ako ng may ibang sakit sa puso akong nararamdaman sa kaniyang pagtanong, para bang may tumutusok at pumipiga non.

"Still," napa buntong hininga ako. "... trying to let the pain and hatred away."

"Di ko alam kung paano ko sisimulan, Angeline." Aniya at nakita ko naman iyon sa kaniyang mga mata. "But still, let me talk first. I want you to listen." Nag angat siya ng tingin sa akin bago nag bitaw ng malalim na hininga. "I know, I'm so stupid of not trying to fight for you. Nasaktan ako, nasaktan ako nung makita kong lumipad ang eroplanong sinasakyan niyo noon papunta rito, papunta sa lugar kung saan malayo sa akin. G-gustong-gusto ko kayong pigilan p-pero di ko nagawa kasi, k-kasi alam kong pag pinilit ko pang manatili ka mas lalong sasakit." His voice cracked, may pinipigilang luha.

Loving The PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon