Chapter 5

138 7 0
                                    

CHAPTER 5 "LOVING THE PAIN"

(Be mindful that this story is just my pure imagination, expect nasty words and mature contents. Read at your own risk. R-18)


"Yeng,"tawag ko sa pinsan ko.

"Bakit? Kumain ka na ba?" sunod-sunod na tanong nito.

"Tapos na, uhhm gusto mo bang sumama?" tanong ko.

May fun night out kami ngayon ng mga co-artist ko from Cornerstone Management at isa din naman doon si Yeng kaya naisipan ko siyang ayain ngayon total hindi pa naman sila lumalakad para sa kasal ni Kuya.

"Ano meron?" naguguluhan na tanong ni Yeng.

"Fun Night Anniv ng CM may mga bagong teen artist and singer tsaka marami narin ang nagbago sa CM," pagkkwento ko pa sa kaniya.

"Sige pero sasama ko si Angeline," masayang sabi nito.

"Yes ofcourse she can go with you," sang-ayon ko kasi akhit tumanggi pa ako wala rin mangyayari, their words will be their words.

"What time and where?" tanong nito.

"8:00 p.m dinner at the Resto nearby the CM and after that we'll go at the bar next to the Resto so need to travel twice," natatawang paliwanag ko.

""Sige sasabihan ko lang si Angeline para maka prepare narin kami," nakangiti na sabi niya. "Oh M G!" tili pa ng babae.

Ilang araw narin ang lumipas ng mag-usap kami ni Yeng ng masinsinan tungkol sa kaniya at sa kaibigan niyang si Angeline, at si Angeline naman medyo nagiging okay na saka nabisita na din niya yung Mama niya kinabukasan nung paglalasing nila. I really wish she could move on from her past, like time is very precious we should waste it in a proper and positive way.

Tumambay pa muna ako sa garden at tinulungan si Mama para mag ayos ng mga tanim niya saka ko naisipan na maligo na at maghanda dahil ilang oras nalang din at mag se-7 na ng gabi at kailangan ko mauna doon para magkasabay kami ng ibang artist. Umakyat ako sa kwarto ko at gulat ng pagpasok ko ay walang tao kaya nilock ko ang pinto at naghubad ng damit pero iniwan ko naman ang blue boxers ko, di naman kasi ako komportable na hubo't-hubad nagpalakad-lakad.

Pumasok ako sa closet para mamili ng susuotin ko at ng makapili naman ako ay kumuha ako ng bagong towel sa kabilang cabinet saka walang sabi na binuksan ko ang pinto ng pinto. Napatalon nalang ako sa gulat ng biglang may babae na sumigaw sa harapan ko, nanlaki ang mata ko na napatingin sa babaeng wala ni isang saplot na nakatayo sa harap ko sumisigaw.

"How dare you!" sigaw nito saka pilit na tinatakpan ang sarili gamit ang mga kamay. Nang makabawi naman ako ay binalot ko siya sa tuwalya'ng bago ko lang kinuha galling sa cabinet ko at bridal style na binuhat ko siya. "WAAAAAAH MANYAK!!! KA!!" sigaw pa nito.

'Gaano ba kasi kahirap magdala ng tuwalya o roba man lang pag naliligo? Anlaki-laki ng CR maraming pwede sabitan ehh mapagkakamalan pa akong manyakis!' reklamo ng utak ko.

Ibinaba ko siya sa kama at pinameywangang hinarap siya na namumula at ina-ayos ang tuwalya na nakabalot sa kaniya.

"Excuse me Miss, hindi ko ugali yang manilip dahil ako mismo ang sinisilipan nagkataon lamang na hindi kayo marunong maglagay ng sign na may tao po naliligo," asik ko naman.

"So ano ako pa mag-a-adjust, alam mo naman dito kami tumatambay sa kwartong ito kaya may tao man o wala hindi ka dapat pumapasok nalang bigla!" sigaw nito.

"So ano din? Wala na akong karapatan pumasok sa sarili kong kwarto?" sarkastiko ko na sabi.

"You should've just knock!" sigaw nito ulit.

Loving The PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon