Chapter 11

136 7 0
                                    

CHAPTER 11 "LOVING THE PAIN"

(Warning: Scenes that were written in the story is the Author's pure imagination, nothing is related to personal life. Just a fanfiction.)

"Angeline saan ka ba nanggaling?" halos pasigaw na naming tanongni Yeng.

Inosente itong tumingin sa amin ni Yeng.

"Saan ka ba galling babae ka, ha? Pinag-alala mo kami, alam mo ba yun?" piningot ni Yeng si Angeline.

"Aray – Aray!" reklamo nito.

Hindi ko inawat si Yeng sa ginawa niya at hinayaan lang ito kasi kung ako yan higit pa diyan ang gagawin ko.

"Mahigit dalawang oras kang nawala, alam mo bang malapit na kaming tumawag ng pulis?" kahit galit ay mababakasan parin ang pag-aalala sa tinig ni Yeng.

"Sumama lang naman ako kay Sam kasi nag-aya siyang magstreet food," dahilan nito.

"Hindi na ba uso magpa-alam sa iyo?" tanong ni Yeng.

"Busy naman kayo eh."

"Pwede mo naman kamin---"

"Tama na yan, Yeng, halika na para matapos na natin yung trabaho natin," walang emosyon ko na sabi saka nilagpasan sila.

Higit akong naiinis sa sarili ko. 'Sabi naman kasing wag na sumama ehh.'

Patuloy parin sila sa pagdidiskusyon nila habang ako ay busy sa mga kailangan kong e pasa na mga papeles para maka take ng break sa showbiz. Nang matapos ako sa mga papel na inasikaso ko ay nag rehearse naman ako. Sinilip ko ang oras at nagmadaling niligpit ang mga gamit ko. 8:09 p.m. Pumunta ako sa lobby ng opisina para sana magpaalam na sa mga kasamahan ko.

Tinignan ko si Angeline na masayang nakikipag-usap kay Sam at DanMi na isa sa staff ng Network na pinagtatrabahuan ko.

"Yeng let's go," tawag ko kay Yeng.

Nagpaalam pa muna ako sa iba pang mga kasamahan saka tuluyang lumabas at nauna nang bumaa sa parking lot. Naghintay lang ako sa loob ng kotse at saka ipina-andar iyon ng makita ko silang papalapit na.

"Magtake-out nalang muna tayo, nagtext si Kuya di raw siya makaka-uwi, at hindi ko alam kung ano ang dahilan." Dire-diretso ko na sabi saka pinaharurut ang sasakyan papunta sa isang fast-food malapit sa village naming.

Tahimik ang lahat sa daan walang nagsalita at kahit di ko tanungin ay paniguradong galit parin si Yeng kay Angeline.

Sino ba namang hindi magagalit sa kaniya? Umalis ng walang paalam, hindi nag text o tumawag and worse! Halos magdadalawang oras nawala tapos malalaman ko lang na kasama si Sam?

Si Sam na sobrang playboy! Si Sam na minsan ng sinira ang relasyon ko! Si Sam na hindi ko pinagkakatiwalaan! Si Sam na kinakainisan ko!

I just hate her for being to clingy to other boys. 'Kaya nadidisgrasya ehh!'

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nasabi iyon, buti nalang at hindi ko naibigkas ng malakas. What will I do to you? I just hated this feeling.

"What do you wan't?" tanong ko kay Yeng.

"Just the same," patukoy nito sa paborito niyang chicken spaghetti.

Hindi ko na tinanong si Angeline dahil kakainin niya naman lahat ng pinapakain ko sa kaniya.

Nakasimangot parin si Angeline sa may passenger's seat. 'Yan matuto ka ng leksyon, tigas ng ulo ehh.' Sabi ko sa isipan ko.

"Gusto ko ng ice cream Erik," pahabol niyang sigaw ng lumabas ako ng sasakyan.

Loving The PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon