Chapter 23

115 6 0
                                    

CHAPTER 23 "LOVING THE PAIN"

(Warning: Scenes that were written in the story are the Author's pure imagination, nothing is related to personal life. Just fanfiction.)

ANGELINE'S POV

Isang lingo na kaming hindi nag-uusap ni Erik, kahit araw-araw naman kaming nag kikita dito sa bahay ang kaso nga lang ay pagnakikita niya ako, siya na mismo ang lumalayo at naghahanap ng paraan para hindi na kami magkausap pa. Aaminin ko na nasasaktan ako sa mga salitang binitiwan niya nung huli kaming nakapag-usap. I can feel it all, the pain, the love, and the diffuclty of letting me go.

Sa mga panahong hindi ko siya nakakausap ay siya palagi ang naglulumikot sa isip ko. Every second, minute is giving me pain because of him. Ako baa ng may mali? Ako ba yung hindi naging totoo? Ako ba yung hindi nagtiwala? Is it all because of me? Kasi hindi ko na alam, hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Ramdam ko, mahal ko si Craig pero sa tuwing naalala ko si Erik... It's breaking me! Hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko.

'Hindi kita susukuan pero hindi rin muna kita ipaglalaban sa ngayon.'

'Mahal na mahal kita at yung kasiyahan mo ang nagmamatter sa lahat ngayon.'

'I can take all the pain just to see you happy, ganun kita ka mahal.'

All those words, palagi yun ang nasa isip ko at pinanghahawakan ko. Gusto ko ring maranasan ang ipaglaban ako. Hindi ko pa kayang bitawan si Craig, he's been there, for me. Sa panahong kailangan ko si Erik siya yung nandiyan, siya yung sumama sa akin sa sakit at saya, siya rin ang unang kinilalang ama ni Angel.

Wala akong pasok ngayon kasi Saturday and every Saturday is Angel and Mama day, pero mukhang nakalimutan na iyon ni Angel kasi simula kanina pag gising ko hindi ko na siya nakita. Naging close narin siya sa Papa niya at thankful naman ako dun kasi nagwowork na yung relationship nila as Father and Daughter.

Nasa kusina na ako ngayon nagluluto ng tanghalian naming, may inaasikaso pa kasi si Yeng sa office niya at saka magkasama Monthsary nila ni Yan ngayon kaya kaming apat lang ngayon ang nasa bahay. Nang malapit na akong matapos sa pagluluto ay nakarinig naman ako ng mga yabag papababa sa hagdan. Sinilip ko na muna kung sino yun at nakita ko naman si Erik hawak ang dalawang bata na may kinakaing lollipop.

Nagkasalubong ang mga mata naming ni Erik kaya napaiwas ako at bumalik nalang sa pagluluto ko. Simple lang naman ang niluto ko, chicken adobo and four seasons, madali lang naman lutuin yun kaya mabilis lang ako natapos. Nang matapos ako ay naghanda na agad ako sa mesa bago ko sila tinawag para kumain na kami ng sabay-sabay.

Pumunta ako ng sala kung saan sila nanunuod ng pelikula. Nang makita ko sila ay napangiti naman ako, Angel is sitting on Erik's lap while Amil is sitting on beside Erik, nakayakap naman ang braso ni Erik kay Amil. Lumapit pa ako sa kanila at tumikhim para maistorbo sila saglit.

"Uhm, sorry for disturbing you but we need to eat lunch already." I said, sabay naman silang napalingon sa akin, pareho ang emosyon nilang tatlo, sabay rin silang nagkibit balikat.

'Ano toh? Praktisado? Robot kayo?' Anang isip ko kaya medyo napahalakhak ako.

"Up." Anang seryosong boses ni Erik kay napatigil ako.

Pinauna niya muna ang dalawang bata kasi pinatay niya muna yung TV. Napatitig naman ako sa kaniya, at ng mahuli niya ang tingin ko ay bigla kong naramdaman ang pamumula ng pisngi ko.

"Tara na." sabi nito kaya biglang natuliro agad ang Sistema ko.

"Ohhw uhhm, yeah." 'Para na akong tanga, ano ba Angeline umayos ka!'

Inilahad niya ang kamay niya senyas na pinapauna niya akong maglakad. "Please." Pinapauna niya nga ako. Tahimik naman akong sumunod. Nang marating naming ang dining area ay nakita naming ang mga bata na nahihirapang umakyat sa upuan nila. Tinulungan ni Erik si Angel ako naman ay si Amil. Magkatabi si Angel at Erik habang ako naman ang katabi ni Amil, una ko na nilagyan ang pinggan ni Angel ng pagkain bgo kay Amil.

Loving The PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon