Chapter 3

144 7 0
                                    

CHAPTER 3 "LOVING THE PAIN"


Erik's POV


"Erik bangon na!" naririnig kong sigaw ni Mama. "Andiyan si Khalli sa sa baba." Dagdag pa nito.


"Ma sabihin mo wala ako, nagbakasyon," sabi ko at nagtalokbong ng kumot.


"Ano ba, bakit mob a pinagtataguan si Khalli?" Tanong ni Mama


"Ma ilang buwan na kami hiwalay di ba niya ma gets yun? Siya pa nakipaghiwalay tas ako ang di titigilan? Huh! Ganda niya." Walang alinlangang sabi ko


"Hoy Rhoderick Santos! Itinuru ko ba sayo ang maging harsh sa mga babae?" sabi nito at pilit na hinihila ang kumot.


"Ma. Makinig ka mabuti, ahh?" sabi ko at umupo sa kama para magpaliwanag. "Dalawang taon yung nagin relasyon naming ni Khalli at sa loob ng dalawang taon na yun pitong buwan lang siya naging totoo sa akin, and ma take note, kaibigan ko ang uhhm di ko alam kung pano to sasabihin ehh, uhmm nilalandi, tama ba yun Ma?" tumango lang ito bilang tugon kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita. "Tapos nang makipaghiwalay siya sa akin, Ma, sobrang nahirapan ako di'ba? Nakita niyo kung paano ako nagkulong, walang kain, tas di nakakapag trabaho ng dahil sa kaniya tapos ngayon ibinalita niya sa lahat na nagkabalikan kami at di na naging kuntento at hanggang ngayon di parin niya ako tinitigilan. Bakit? Dahil nagsawa na siya kay Brent ehh babalik nanaman siya sa akin oh gusto niya lang makuha ulit yung supporta ng mga tao." Mahabang lintanya ko at si damalayan ay may mga luha na palang kumakawala sa aking mga mata.


"I'm trying to move on, ano pa bang gusto niya?" tanong ko muli.


"Pero anak you need to face her, kasi ilang araw na siya pabalik-balik dito sa bahay and to tell you also naririndi narin ako sa ka 'Hi Tita-Mommy how are you doing?' niya nohh!" asik ni Mama at inirapan lang ako bago nilisan ang kwarto ko.


"Pssh. Wag daw maging harsh," nailing nalang ako at naligo muna bago bumaba.


Actually wala naman akong balak makipagkita ulit kay Khalli, I hate her for God's sake!


2 buwan narin kami naghiwalay at siya ang nakipag hiwalay pero ako ang hindi tinigilan. Tibay ng babaeng yun kapal ng kilay magpakita sa akin ehh siya pa nga naging dahilan kung bakit magka-away kami ni Brent ngayon.


Nang matapos akong maligo at magbihis ay bumaba na agad ako at suot ang aking masiglahin at gwapong ngiti ay binate ko silang lahat ng magandang umaga ngunit sa hindi ina-asahan ay may nakita akong isang babaeng di ako pamilyar sa mukha.


"Good morni—" nabaling ang tingin ko sa magandang dilag na aking nasilayan sa hapagkainan na masayang kumakain. "—Ning beautiful lady," nakangiti ko siyang binate at inilahad ang aking kamay at nagpakilala. "By the way I'am Rhoderick Santos also known as Erik Santos and call me Erik Cale but I prefer you call me Ba—" bago ko pa man matapos ang litanya ko ay may humawi na ng kamay ko.


"HepHepHep! Dear little brother andiyan yung girlfriend mo ohh nakatingin sayo." Sabi nito at itinuro si Khalli na masamang tinititigan ako.

Loving The PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon