Chapter 31

87 5 0
                                    

CHAPTER 31 "LOVING THE PAIN"

(Warning: Scenes that were written in the story are the Author's pure imagination, nothing is related to personal life. Just fanfiction.)

Erik's POV

"Ano na naman ba ang pinag gagawa mo?" May diing tanong ko kay Khalli na nasa kabilang linya ng telepono.

"Sabi ko naman sayo ibigay mo lang sa akin si Amil wala na kayong problema." Nangungumbinsi ang tinig nito.

"At paano naman ako makakasiguro na ibibigay mo si Angel pag ibinigay ko sayo si Amil?"

"I will send you my location, ibibigay ko sayo si Angel kapalit ni Amil." Desididong sabi nito.

"Paano kung ayaw ko? Akin ang mga anak ko Khalli!"

"Well mabilis naman akong kausap nasa saiyo nayun, so? Goodbye Ang--?"

"Ibabalik ko sayo si Amil, please Khalli wag mo lang saktan ang anak ko... Kailangan ko ang anak ko Khalli!.. Isesend ko ang loc—" Kinakabahan akong nag angat ng tingin kay Angeline.

Nagkasagutan pa kami bago ako nito iniwan para makyat sa kwarto naming. Tama siya mahina ako. I felt so useless. Wala akong maisip na ibang solusyon kundi iyon lang. Tinignan ko si Angeline na paakyat nang kwarto I'm sorry Love. Alam ko na wala siyang nasasandalan ngayon dahil hindi ko siya matabihan, dahil sa paninisi ko sa kaniya. Hiyang-hiya ako sa sarili ko dahil sa mga sinabi ko sa kaniya. Galit ako sa sarili ko kasi kami dapat yung nagtutulungan ngayon pero ini-iba ko ang direksyon ko sa direksyon niya. 'Mahal na mahal kita, Angeline."

......

Nakausap ko na ang mga kaibigan ko na may sekretong organisasyon at may lead na sila kung nasaan ang anak ko ngunit hindi nila mapasok ang lugar dahil sa mga panibagong kagamitan na gamit ni Khalli. Naghihintay parin naman ako ng lead nila bago ko gawin ang mga dapat na ikikilos ko.

"Napag-usapan na natin ito Khalli, alam mo na hindi ko pwedeng suwayin si Angeline!"

Tumawa ito ng sarkastiko bago ako kinibo. "Alam mo? Ngayon ko lang napatunayan na mahina ka talaga, wala ka ng kwenta!" Sigaw nito. "Ang gusto ko lang makuha si Amil kapalit ang anak niyo!"

"Anak ko rin si Amil at matagal ka ng walang karapatan sa kaniya baka nakakalimutan mo!" Mariin ko na sabi.

"So ano pa bang silbi ng anak mong babae kung hindi ko naman pala makukuha ang anak ko?! Much better di'ba kung ibenta ko nalang itong anak mo – o kung gusto mo pwede namang sabay nalang kaming maglaho sa mundong ito." Matunog itong ngumisi.

"Wag na wag mong susubukan na saktan ang anak ko Khalli! At matagal ka ng walang karapatan kay Amil..."

"Ako parin ang kinalakihan niyang ina! Anak ko parin siya!"

"Anak siya ni Angeline!" Diin ko rito.

"P-paano mo nalaman?!" Nauutal na sigaw nito.

"I already have the results of the DNA test and it's positive! How dare you?! Napaka walanghiya mo talaga!" Sigaw ko rito, pinapamukha ang ka walanghiyaan niyang ginawa.

"Ano naman ngayon kung nalaman moa ng totoo! At wala akong pakialam kung anak man siya ng kung sino mang babae mo! Legal na anak ko si Amil, akin siya, naiintindihan mo ba?!"

"Why are you owning Amil?! Hindi siya sayo!" Nang gagalaiti na ako sag alit na pinipigil ko.

"ERIK!" Tawag sa akin ni Angeline, puno ng hinanakit at paninisi ang tinig niya.

I didn't move until he shouted "I HATE YOU!" Parang nawaglit ang kaluluwa ko sa sinabi niya. I just want to make a deal with Khalli, I know her reasons pero hindi ko siya mapagbigyan dahil ayaw ni Angeline. Hate me all you want, Angeline, but I also need my daughter. Mahigpit ko siyang niyakap ng pinaghahampas niya ako sa galit. Umalis siya sa pagkakayakap ko saka ako tinalikuran.

Loving The PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon