Chapter 25

122 6 0
                                    

CHAPTER 25 "LOVING THE PAIN"

(Warning: Scenes that were written in the story are the Author's pure imagination, nothing is related to personal life. Just fanfiction.)

Erik's POV

Pagkatapos ng mga nangyari ay para bang wala na akong mukha na ihaharap kay Yeng at Angeline, I just lost my self and did those things. Ilang araw akong hindi umuuwi dahil sa hiya at takot sa ginawa. Nag hotel ako ng tatlong araw sa tingin ko pero kahit di naman ako umuuwi ay nakikita ko parin ang mga anak ko dahil tinitignan ko naman sila sa malayo.

Ngayon ay balak ko na sanang umuwi dahil miss na miss ko na ang mga anak ko at gusto ko sana humingi ng tawad kay Angeline dahil sa nagawa ko. Katatapos ko lang mag ayos ng sarili ko, kinuha ko yung susi ng sasakyan bago ko nilisan ang lugar. Wala masyadong traffic kaya mabili akong nakarating sa bahay, bumungad agad sa akin si Yeng, alam niya kasing uuwi ako ngayon kaya ayan naka abang.

"At saang lupalop ka naman napadpad at magtatalong araw kang nawala ha? Alam mo bang ang daming naghihintay sayo dito?" Sermon niya agad ng makababa ako ng kotse.

"Nag isip-isp lang." Sagot ko.

"Pwede ka namang mag-isip ditto sa bahay ahh, baket nag tatago ba yang utak mo s aibang lugar?" Sarkastikong tanong nito.

"Oo hinanap ko eh." Pamimilosopo ko.

"Aba't sumasagot ka pa! Alam mo bang nag-iiyak yung dalawang chikiting dahil yung mga magulang nila eh parang mga ewan at nilulumot mga utak!"

"Umuwi na nga ako ehh, may nangyari kasi kaya kailangan ko mag-isip muna."

"Ehh bakit di ka nagpaalam?!" Anito saka piningot ako sa tenga. "Hali ka dito at ikukulong kita!" Anito.

"Yenggay masakit, aray!" reklamo ko.

"Nang magka-ayos kayo!" sigaw nito saka ako hawak-hawak sa tenga na kinaladkad ako sa paakyat sa kwarto.

Kahit masakit talaga ang pagkakahawak niya sa tenga ko ay di na ako pumalag dahil sa tuwing nagsasalita ako ay dinidiinan niya ang hawak nito. Tinulak niya ako sa isang kwarto at inilock yun agad sinubukan ko pang buksan pero hindi ko talaga mabuksan. Inilibot ko ang aking paningin sa kwarto at nakita ko si Angeline sa malaking kama na natutulog.

'Yeng! Lumayo ako ng ilang araw kasi gusto layuan ang temptasyon tapos ikukulong mo ako sa isang kwarto kasama ang magandang babaeng kinahuhumalingan ko?!' Maktol ko sa isip ko.

Bagsak ang balikat na naglakad ako papalapit sa kaniya, sumampa ako sa kama at naka indian seat na hinarap ko si Angeline. Nagulat ako ng may luhang bumabagsak sa pisngi niya at pabaling-baling ang ulo.

"Glen." She groans. "Glen."

Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at bahagyang inalog-alog siya para sana magising pero hindi iyon nagging epektibo dahil mas lumala.

"Wag," anito kaya napahinto ako sa ginagawa. "Wag! Ughh Glen!!" mas nagging mabilis ang pagragasa ng mga luha galing sa kaniyang mga mata. "Glen, maawa ka please." Her voice was begging and it makes me worry.

"Angeline." Inalog-alog ko ang balikat niya pero di parin siya nagigising.

"Glen.. Ugh!" Sigaw niya sabay bangon at mabilis ang pagtaas-baba ng kaniyang dibdib.

"Angeline are you okay?" Agad ko na tanong sa kaniya. "Ano baa ng napanaginipan mo, you okay?"

"Erik!" Humahagulgol na agad siyang yumakap sa akin.

"Wag mo akong iiwan, ahh?" Anito.

Hindi ako sumagot at hinaplos-haplos ko ang kaniyang likuran habang mas lalong humihigpit ang yakap niya.

Loving The PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon